Aiko may rebelasyon tungkol kina Ara Mina at Deborah Sun; mas tumindi pa ang pagmamahal kay Jay Khonghun | Bandera

Aiko may rebelasyon tungkol kina Ara Mina at Deborah Sun; mas tumindi pa ang pagmamahal kay Jay Khonghun

Reggee Bonoan |June 18,2023
facebook
share this

Aiko may rebelasyon tungkol kina Ara Mina at Deborah Sun; mas tumindi pa ang pagmamahal kay Jay Khonghun

Reggee Bonoan - June 18, 2023 - 11:03 AM

Aiko may rebelasyon tungkol kina Ara Mina at Deborah Sun; mas tumindi pa ang pagmamahal kay Jay Khonghun

Ara Mina, Aiko Melendez, Jay Khonhun, Andre Yllana at Marthena Jickain

TUMUTULONG pala si Aiko Melendez sa nanay ng kapatid niyang si Jam Melendez na si Deborah Sun, nabanggit ito ni Snooky Serna sa panayam niya sa konsehala ng 5th District ng Quezon City.

Sa kanyang YouTube channel ay si Aiko ang guest ni Snooky at sinabi nga nito na nu’ng nakakuwentuhan niya si Deborah ay pawang magagandang salita tungkol sa konsehala ang kanyang narinig.

Natawa muna si Aiko nang hingan siya ng reaksyon ni Snooky, “Actually, ate Kooks the reason na hindi alam ng tao na tumutulong ako sa kapatid ko at kay tita Devs although hindi ko naman obligasyon but choice ko ate. Kasi nu’ng namatay ang papa ko naiwan si Jam.

“Always kasi ako sa buhay ko ate at sa desisyon ko sa buhay na tinitingnan ko ‘yung sarili ko, paano kung ako ‘yun at hindi ako tulungan? Ano ang mararamdaman ko? So, lagi ‘yun ang mindset ko ate.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)


“Si tita Deborah ang start namin wasn’t okay but I try to understand na, ‘paano Aiko kung ikaw ‘yung nasa sitwasyon nila?’ So, that made me feel na hindi ako puwedeng hindi tumulong kasi kapatid ko pa rin ‘yun,” esplika ng aktres.

Samantala, sa segment na “Pick A Name” ay nabunot ni Aiko ang pangalan ni Ara Mina at natawa siya. Alam naman sa showbiz na hindi naging maganda ang relasyon nina Aiko at Ara dahil ang huli ang dahilan ng hiwalayan nila ni Jomari Yllana noong mag-asawa sila.

Ang sabi ni Aiko, “Dati hindi kami okay, ate. Ngayon naman I’m very, very happy ate she’s in a better state of her life now (because) she’s married. I sincerely… ito walang ka-showbizan, I’m happy for her.

Baka Bet Mo: Vice umamin sa madlang pipol: Si Kim po ang nagpapaganda ng morning ko…

“And siguro you come to a life now na you’ve learned how to forgive, although sometimes it’s hard to forget but you have to, eh, in order to move on and to heal properly. You have to let go of that past na hindi mo na dapat babalikan and I am for that for Ara Mina,” ani Aiko.

Samantala, at peace naman daw ang pakiramdam ni Aiko kapag kasama niya ang boyfriend na si Congressman Jay Khonghun ng 1st District ng Zambales.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)


“Iba kapag meron kang partner na who compliments you, who doesn’t compete with you, who lets you shine, who lets you soar high, siya (Jay) ‘yun kasi in a world na there’s so much noise I found peace in him. Whenever I go to him feeling ko secured ako,” esplika ni konsehala Aiko.

Nagkaroon naman ng advanced celebration ang kaarawan ni Cong. Jay kamakailan kasama ang mag-iinang Aiko, Andre at Marthena.

Caption ng aktres sa larawan nilang apat, “Advance Birthday celebration of Cong Jay Khonghun with the kids Andre Yllana and Marthena Jickain We love you!!!”

Regine Velasquez naaliw sa ginawa ni Janine sa ‘ASAP Natin ‘To’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Piolo single pa rin, naniniwala sa destiny: Hindi kasi ako naghahanap…pero kung darating ang araw na ikakasal ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending