Vice umamin sa madlang pipol: Si Kim po ang nagpapaganda ng morning ko... | Bandera

Vice umamin sa madlang pipol: Si Kim po ang nagpapaganda ng morning ko…

Alex Brosas - May 28, 2021 - 03:08 PM

IBINUKING ni Vice Ganda na talagang super close na sila ng “It’s Showtime” co- host na si Kim Chiu.

Talagang family na ang turing niya rito. In fact, sa isang episode ng noontime show, ibinuking ni Vice Ganda ang voice messages sa kanya ni Kim.

“Si Kim Chiu po ay bahagi ng araw ko. Every morning siya po talaga ang nagpapaganda. Ginigising niya po ako araw-araw,” say ni Vice habang ipinaparinig niya ang voice messages ni Kim.

“Tama na! Wala po ‘yun, ‘yun lang po ay panggising lamang sa natutulog na ganda ni Mama,” say ni Kim.

Of course, marami ang nag-react sa item na ito na lumabas sa isang website.

“Gustong gusto ko pag tinatawag ni kim si meme ng mama napaka lambing.”

“Vice and Kim lang SAKALAM!”

“Ang cute naman, sana all may pampagising. Go kim pasaway kau talaga sa Showtime pero yan nkaka aleyo sa Showtime pagiging pasaway at kulitan niyo. totoong mag kakaibigan tlg kau kc never niyo iniwan ang Showtime.”

“Feeling ko ang sweet ni kim. Ang kyutt.”

“Ang cute talaga ni Kimmy at ang sexy at ang ganda at super bait.”

* * *

Paninira ang magiging kapalit ng kabutihan ni Father Seb (Enchong Dee) dahil siya ang susunod na biktima ng pekeng faith healer na si Deborah sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel.

Pagkatapos ang pekeng milagrong ipinalabas niya sa mga taga-Hermoso, hindi pa nakuntento si Deborah at ipinagkalat sa social media ang pekeng balita na binubulsa umano ni Father Seb ang mga donasyon para sa pagpapatayo ng simbahan sa bayan.

Ito ang ganti ni Deborah sa kampo nina Father Seb, Mira, at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) dahil ayaw ng mga itong ibigay ang lupang kinatatayuan ng simbahan sa kanya. Ang simbahan din ang nakikita ni Deborah na pangungahing kakumpitensya ng kanyang mapanlinlang na negosyo.

Lalo pang uminit ang ulo ni Deborah dahil sa muling pagsikat nina Mira at Joy, na tinuturong may kagagawan ng himalang pagkakasalba ng buhay ni Rafa (Kyle Echarri), ang apo ng mayor ng Hermoso, sa isang aksidente.

Magtagumpay kaya si Deborah sa paninira ng reputasyon ni Father Seb? Ano pa ang gagawin niya para bumaho ang pangalan nina Mira at Joy?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending