Regine Velasquez naaliw sa ginawa ni Janine sa 'ASAP Natin 'To' | Bandera

Regine Velasquez naaliw sa ginawa ni Janine sa ‘ASAP Natin ‘To’

Alex Brosas |August 13,2021
facebook
share this

Regine Velasquez naaliw sa ginawa ni Janine sa ‘ASAP Natin ‘To’

Alex Brosas - August 13, 2021 - 05:50 PM

Walang hiya-hiyang inamin ni Janine Gutierrez ang kanyang blooper recently sa “ASAP Natin ‘To” habang kausap sina Regine Velasquez at KZ Tandingan.

Nalaglag kasi ang microphone ni Janine at hinabol niya ito.

“Share ko lang achievements ko guys. Habang kausap si Ms. @reginealcaaid at KZ sa ASAP, nalaglag yung microphone ko. Habang patuloy silang chumichika, yumuko ako at gumapang sa ilalim ng lamesa para abutin. Napalayo pala yung gulong niya shet inabot ko pa,” tweet ni Janine.

“Nu’ng gumapang uli ako paatras nadulas ako na paranh pagong na bumaliktad sa gitna ng asap corridor. Saya,” chika pa niya.

“Maya-maya sabi ni Ms. Reg, medyo hindi daw talaga okay yung araw niya, pero noong nahulog ako, masaya na siya. Kaya sa lahat ng nagmamahal sa Songbird, you’re welcome, ” say ni Janine.

* * *

Umpisa na ng pangingikil ng pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdez) kina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) para makuha ang gusto niya sa ” Huwag Kang Mangamba” na mapapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel A2Z at TV 5.

Kina Mira at Joy sisisihin ni Deborah ang madugong aksidente sa construction site ng ipinapatayong simbahan kung saan maraming trabahador ang naiwang sugatan.

Lalo pang lalala ang sitwasyon ng magkapatid dahil iipitin sila ni Deborah na ibigay sa kanya ang lupa ng simbahan kapalit ng pagtulong nito sa mga biktima.

Nangako si Deborah na sisiraan niya ang dalawa at ang simbahan kapag di natupad ang gusto niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending