Rabiya, Megan aprub sa pagsali ng mga may asawa, anak at transgender sa Miss Universe PH: 'This change is a powerful message' | Bandera

Rabiya, Megan aprub sa pagsali ng mga may asawa, anak at transgender sa Miss Universe PH: ‘This change is a powerful message’

Ervin Santiago - June 18, 2023 - 08:36 AM

Rabiya, Megan aprub sa pagsali ng mga may asawa, anak at transgender sa Miss Universe PH: 'This change is a powerful message'

Megan Young at Rabiya Mateo

APRUBADO sa dalawang Kapuso actress na sina Megan Young at Rabiya Mateo ang pagbubukas ng Miss Universe Philippines Organization sa pagsali ng mga may asawa, may anak at mga transgender woman sa naturang pageant.

Parehong positibo ang pananaw ng mga Pinay beauty queen sa naging desisyon ng mga taong nagpapatakbo sa Miss Universe Philippines na mas palawigin at palawakin ang kanilang pageant.

“Alam n’yo po, yung Miss Universe Organization, they’re all after inclusivity. Kasi yung tanong pag nagkaanak ka na ba, stop na ba yung pagiging matatag mong babae?

“Ngayon, they want to include everybody, and I know maraming magtataas ng kilay because iba yung nakasanayan nila. Iba yung nakasanayan natin,” ang pahayag ni Rabiya (Miss Universe Philippines 2020) nang makachikahan namin siya sa presscon ng “Royal Blood” kamakailan.

Katwiran pa ng girlfriend ng Kapuso hunk na si Jeric Gonzales, “Pero change is good, and this change is a powerful message.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Megan Young (@meganbata)


“So ako, personally, I’m all for it kasi hindi naman ibig sabihin na kapag nanay ka, ikaw agad yung panalo. Still, you have to compete.

“And yung mga nanay natin, transwomen, you know, married women, they have a powerful story to share, and ganun po yung essence of beauty pageants, to be transformative,” esplika pa ni Rabiya.

Baka Bet Mo: Bistek: Hindi porke napunta ako sa gobyerno, inisip ko nang powerful ako…

Samantala, sa presscon din ng “Royal Blood” naitanong kay Miss World 2013 Megan Young ang tungkol sa pagpapahintulot sa mga may asawa, may anak, at transgender na sumali sa Miss Universe Philippines.

Bago makasagot si Megan sa tanong, humirit muna ang asawa niyang si Mikael Daez (kasama rin sa Royal Blood) ng “Ay, sasali siya ulit sa Miss World, puwede na! 2024 sasali daw siya ulit para double crown na raw siya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


Reaksyon naman ni Megan, “Ako, I’m all for it! I embrace, you know, the new changes, it’s a changing world din naman, so I’m excited for the future in pageantry.

“Kasi it’s not always gonna be the same. The pageants, like Miss World and Miss Universe back in the day are completely different from how they are today.

“Yung nire-represent nila dati iba na rin ngayon. So I’m excited to see where pageantry will also be in the next twenty years,” pagbabahagi ng aktres.

Pamilya ni Julia botong-boto kay Gerald; tinukso sa ‘family photo’ kasama si Scarlet Snow

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paulo gaganap sanang transgender sa pelikula pero hindi natuloy: Sayang talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending