Bistek: Hindi porke napunta ako sa gobyerno, inisip ko nang powerful ako... | Bandera

Bistek: Hindi porke napunta ako sa gobyerno, inisip ko nang powerful ako…

Ervin Santiago - June 20, 2021 - 09:14 AM

KAHIT kailan ay hinding-hindi pumasok sa isip ng veteran comedian at dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista na isa siyang “powerful” na tao.

Ilang taon ding nagsilbi bilang public servant si Bistek sa mga taga-Q.C. at matapos nga ang kanyang termino ay maswerte rin siyang nakabalik agad sa showbiz at nabigyan ng magagandang proyekto.

Abot-langit ang pasasalamat ni Herbert na pagkatapos nga ng huling termino niya bilang alkalde ay kinuha agad siya ng ABS-CBN para makasama sa ilang bonggang projects ng network. 

Huli siyang napanood sa Kapamilya dramedy digital series na “The House Arrest of Us” kung saan nakasama niya ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

At pagkatapos nga nito ay kinuha naman siya ng TV5 para bumida sa sequel ng kauna-unahan niyang blockbuster movie sa Viva Films 34 years ago na “Puto.”

“I’m very thankful, una, we are in a pandemic, marami tayong kasamang mga artista, production people, crew na naghahanap ng trabaho, pero may trabaho ako. 

“So I’m really very thankful na after my term nagkaroon ako ng trabaho sa ABS-CBN at ngayon naman sa TV5,” pahayag ni Bistek sa virtual mediacon ng “Puto”.

Aniya pa, “I considered this is a blessing na ibinigay ng Panginoon dahil siguro one way or the other may may mga nagawa naman tayong mabuti kahit paano and we continue to do that, ang gumawa ng mabuti sa kapwa in our own very simple act.” 

Sey pa ng dating mayor, kahit ilang dekada na siya sa showbiz at sa mundo ng politika ay never niyang inisip na isa siyang powerful personality. Sa katunayan, hindi siya yung tipo ng artista na nag-iinarte o nagpapaimportante sa shooting.

“Sabi nila when you’re in government parang you’re the one in control especially nu’ng nag-mayor ako, you’re the one in power, but they don’t realize that being an actor, even being behind the camera is a very difficult task.

“Yung planning, preparation, resources, putting things together at particular day na hindi ka dapat sumabit do’n dahil maaantala na yung mga susunod mong gagawin sa darating na mga araw. And this is what I learned from the entertainment industry.

“Ako naman bilang isang artista, they say, ‘Oh, naging mayor ka, vice mayor, konsehal,’ akala nandoon yung power pero hindi. I like people, tulad ng mga director ko, who put me into where I am supposed to be. ‘Oh ito ang blocking mo ha, tayo ka dito, lakad ka don, sabihin mo itong dialogue na ito.’

“And I do it because becoming good leader you must be a good follower. Kailangan mo ring sumunod sa instructions. Kailangang maging sharp ka to deliver the lines, sharp enough to project that particular emotion to a particular scene.

“So ang sinasabi ko, bilang isang artista, hindi porke napunta ako sa gobyerno at nagkaroon ako ng pagkakataong magsilbi, eh, pumasok sa isip ko yung power saka authority. Bumalik ako sa pag-aartista because this entertainment industry as an actor grounded me,” mahabang paliwanag ng komedyante.

Samantala, mapapanood na ang TV sequel ng “Puto” sa TV5 mula sa Viva Television kung saan makakasama rin ni Herbert ang young actor na si McCoy de Leon.

Puring-puri ni Bistek ang binata dahil sa natural na pagiging komedyante nito. Hindi raw nagkamali ang TV5 sa pagpili kay McCoy para maging bahagi ng nasabing programa.

Tunghayan ang naiibang mahika at katuwaan para sa buong pamilya sa “Puto”, kasama sina Puto at Uno tuwing Sabado, 6 p.m., sa TV5. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mayroon ding catch-up airing ang “Puto” tuwing Linggo, 5 p.m., simula Hunyo 20 sa Sari-Sari Channel, available sa Cignal Channel 3 at SatLite Channel 30. Mapapanood din ito sa livestream ng TV5 sa Cignal Play app, available for free para sa iOs at Android users.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending