Pamilya ni Julia botong-boto kay Gerald; tinukso sa 'family photo' kasama si Scarlet Snow | Bandera

Pamilya ni Julia botong-boto kay Gerald; tinukso sa ‘family photo’ kasama si Scarlet Snow

Ervin Santiago |March 24,2021
facebook
share this

Pamilya ni Julia botong-boto kay Gerald; tinukso sa ‘family photo’ kasama si Scarlet Snow

Ervin Santiago - March 24, 2021 - 09:44 AM

MUKHANG botong-boto at aprubado na sa pamilya ni Julia Barretto ang kontrobersyal na relasyon nila ni Gerald Anderson.

Pormal nang naipakilala ng aktres ang kanyang boyfriend sa nanay niyang si Marjorie Barretto pati na sa mga kapatid niya at iba pang miyembro ng pamilya.

Base sa litratong ipinost ng sister ni Julia na si Dani Barretto sa Instagram, nakasama nila ang Kapamilya hunk actor sa beach trip nila kamakailan.

Ang caption ni Dani sa kanilang “family photo” na pinaniniwalaang kuha sa pag-aaring resort ni Gerald, “Mi Familia (insert Millie & Erich here) … Missing the beach and this perfect week.”

Ang tinutukoy ni Dani na Millie ay ang anak nila ng asawang si Xavi Panlilio, habang si Erich ay ang youngest daughter naman ni Marjorie.

Makikita sa litrato sina Julia at Gerald kasama ang inang si Marjorie at mga kapatid na sina Leon, Claudia at Dani with her husband Xavi.

Base sa suot nina Julia at Gerald, ito rin ang araw nang kunan ang selfie photo ng celebrity couple na ipinost ng dalaga sa kanyang IG page para batiin ang aktor sa kaarawan nito. Ito rin ang nagsilbing pag-amin ng dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Samantala, kasunod ng paglabas ng litrato ni Gerald kasama ang buong pamilya ni Julia, isa pang “family photo” ang kumalat sa social media kung saan kasama naman nila si Scarlet Snow, ang anak nina Vicki Belo at Hayden Kho.

Naka-post ang nasabing picture sa IG account ni Scarlet na may caption na, “Time flies so fast. Just 3 months ago we were celebrating the birth of Jesus with my friends, @juliabarretto and @andersongeraldjr.

“In a few days we would be already celebrating his death and resurrection! I pray for a peaceful week for all peoples. Thank you, Jesus, for friends.”

Unang inamin ni Gerald sa interview sa kanya ni Boy Abunda na girlfriend na niya si Julia at sinabing maligayang-maligaya sila ngayon ng dalaga sa kanilang pagsasama.

“Very happy, very happy. It’s a yes. Sobra,” ang sagot ni Gerald nang tanungin kung gaano siya kasaya ngayon sa kanyang lovelife.

Para naman kay Julia, sinabi nito na kung may isang pangarap pa siya sa buhay na nais matupad yan ay ang pagiging mommy.

“A baby. It’s true. Yeah. That’s the only thing. I just want a kid. Really, it’s really as simple as that.

“I feel like I have a purpose in this world, and that purpose is to be a mother. So, I don’t feel so fulfilled because (I still don’t have it). I hope that in five years, I already have a child and my own family.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“That’s just really it. I feel like if you really want to have a lot of kids, you have to start early. I wanna have, like, four, five (na anak),” pahayag pa ni Julia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending