Alex Gonzaga ‘nasipa’ nang maki-fiesta sa Tondo
HINDI sinasadyang masaktan ang TV host-vlogger ns si Alex Gonzaga habang masaya itong nakiki-fiesta sa Tondo, Manila.
Sa kanyang latest vlog na uploaded sa kanyang YouTube channel ngayong araw ay ibinahagi niya ang mga ganap sa nagdaang pakiki-fiesta.
Iba’t ibang palaro ang mga ipinasilip ni Alex sa kanyang vlog at may kasama pa ngang pakikipag-boodle fight sa mga residente ng Tondo, Manila.
May mga bag-alok pa nga ng alak sa mag-asawa habang naglalakad sila papunta sa tahanan ng kanyang empleyadong si JC na siyang residente ng Maynila.
Matapos ang masayang kainan ay nagpalaro na nga si Alex at siyempre may pa-cash prize na isang libo.
May agawan buko, popsicle game, sack race, harina game, at pa-singing competition ang bunsong Gonzaga na talagang na-enjoy ng mga residente.
Baka Bet Mo: Alex Gonzaga nagbirong huwag papasukin ang ‘It’s Showtime’, binatikos ng mga netizens: ‘Banatan sana ni Vice Ganda!’
At tila ang main event ng palaro ng asawa ni Mikee Morada ay ang dance competition mula mga bata hanggang matanda, babae man, lalaki, at mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Gamit pa nga ni Alex ang mga kanta ng kapwa vlogger na si Toni Fowler.
Ngunit habang nagkakasiyahan ang lahat at aliw na aliw sa mga nagsasayaw ay aksidenteng natamaan ang vlogger ng isa sa mga contestant.
“Kahit sinipa mo ‘yung mukha ko,” natatawang sey ni Alex na game pa ring nag-abot ng papremyo.
Mukha namang super nag-enjoy rin siya sa pakikigulo sa Tondo at ilang beses rin silang uminom sa mga tumatagay sa kanila sa daan.
“Maraming maraming salamat sa mga taga-Tondo. Napakasaya ninyong kasama sa fiesta at maraming salamat dahil pinag-fiesta at inimbitahan n’yo ako dito,” pasasalamat ni Alex.
Related Chika:
Alex Gonzaga: I am sorry for causing you pain and embarrassment
Cristy Fermin may patutsada kay Alex Gonzaga: Wala pong garter ang dila!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.