Magandang aktres hiwalay na sa dyowa dahil may iba ang lalaki; ‘Digitally remastered classics’ babandera sa iWantTFC
NA-SHOCK kami sa kuwento ng aming source tungkol sa isang magandang aktres na nakipaghiwalay sa kanyang dating karelasyon dahil may iba pala siya.
“Pansin mo, tahimik ang hiwalayan nila, walang gustong magsalita, kasi may mas malalim na dahilan. Si boyfriend mas piniling manahimik na lang para walang isyu at hindi nap ag-usapan kasi concern pa rin siya kay (magandang aktres),” bungad kuwento ng aming source.
Binanggit sa amin kung sino ang current karelasyon ngayon ng magandang aktres at super gulat talaga kami as in dahil ang alam namin ay may iba ito. Ibig sabihin tanggap ng aktres na may kahati siya sa puso ng guy?
Sabagay, pag puso na ang umiral hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
Mauuwi kaya sa kasalan ang relasyon ng magandang aktres at ng karelasyon niya ngayon? Abangan ang mga susunod na mangyayari.
* * *
Ibabandera ng iWantTFC, ang Home of Filipino Stories, ang “Digitally Remastered Classics” at “Philippine Cinema Icons and Gems” special selections kasabay ng pagdiriwang ng Philippine Independence Day ngayong Hunyo 12.
Tampok sa “Digitally Remastered Classics” selection ang ilan sa mga all-time Pinoy classics at award-winning films. Kung mahilig sa mga makapanindig-balahibong katatakutan, pwedeng i-stream ang “Sa Aking Mga Kamay,” “Karnal,” “Cain at Abel,” “Nunal Sa Tubig,” at iba pa.
Baka Bet Mo: RR Enriquez inaming siya ang nasa blind item ni Cristy Fermin: Pero mali ang information
Nariyan din ang mga nakakakilig at pampa-good vibes na mga remastered films tulad ng “Ang Pulubi at ang Prinsesa” nina Camille Prats at Angelica Panganiban, “Bcuz of U” nina Kristine Hermosa at Diether Ocampo, “Unofficially Yours” nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin, at “A Very Special Love” nina Sarah Geronimo at John Lloyd.
Handog naman ng kilalang entertainment blogger at guest curator na si Flow Galindez ang “Philippine Cinema Icons and Gems” selection na ibinibida ang ilan sa mga pinakamagaling na artista sa bansa. Mae-enjoy ang “Oro Plata Mata” nina Cherie Gil at Joel Torre, “Tag-araw sa Tag-ulan” nina Vilma Santos at Christopher de Leon, “Himala” ni Nora Aunor, “Hihintayin Kita sa Langit” ni Dawn Zulueta, at marami pang iba.
Ipagdiwang ang Independence Day at i-stream ang mga pelikula at seryeng ito sa iWantTFC app (iOs at Android) o website. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Related Chika:
Pokwang inaming hindi nagustuhan ni Lee nang malamang preggy siya, ipapabago ang apelyido ni Malia
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.