Julia ipinalit kay Bea bilang leading lady ni Alden sa 'A Special Memory'; gagawa rin ng pelikula sa Viva kasama si Aga | Bandera

Julia ipinalit kay Bea bilang leading lady ni Alden sa ‘A Special Memory’; gagawa rin ng pelikula sa Viva kasama si Aga

Ervin Santiago |June 04,2023
facebook
share this

Julia ipinalit kay Bea bilang leading lady ni Alden sa ‘A Special Memory’; gagawa rin ng pelikula sa Viva kasama si Aga

Ervin Santiago - June 04, 2023 - 09:40 AM

Julia ipinalit kay Bea bilang ka-loveteam ni Alden sa 'A Special Memory'; gagawa rin ng pelikula sa Viva kasama si Aga

Julia Barretto, Alden Richards at Bea Alonzo

CONFIRMED! Ang inayawang pelikula ni Bea Alonzo ay tinanggap na ni Julia Barretto!

Ito ang ibinalita ng President at CEO ng Viva Incorporated na si Vincent del Rosario III nang humarap siya sa ilang members ng entertainment media last Thursday, June 2.

Ibinandera ni Vincent at ng kapatid niyang si Val del Rosario sa naganap na mediacon ng Vivamax na umabot na sa seven million ang subscribers ng nasabing digital streaming platform.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto)


Kasabay nito, ibinandera nga ng dalawang Viva Entertainment executives ang mga susunod nilang projects, hindi lamang sa Vivamax kundi pati na rin sa isa pa nilang streaming app na Viva One.

Kabilang na nga riyan ang gagawing pelikula ng Pambansang Bae na si Alden Richards at ni Julia Barretto, ang Pinoy adaptation ng hit Korean movie na “A Moment To Remember.”

Ang working title nito ay ang “Special Memory” and supposedly ang magiging leading lady ni Alden dito ay si Bea pero kamakailan lamang ay nagsabi na ang aktres na hindi na niya ito magagawa due to some personal reasons.

Ayon kay Boss Vincent, pumayag na si Julia na gawin ang naturang pelikula, “Dating Alden-Bea, tapos nag-issue na naman kami ng statement (VIVA) and GMA na magpapahinga ata muna si Bea. So, si Julia na.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“Ito ‘yung remake ng isang hit Korean movie (A Moment To Remember) local version,” aniya pa.

Next month na magsisimula ang shooting nina Alden at Julia para sa “A Special Memory” na ididirek ni Nuel Naval, ang direktor ng 2019 Metro Manila Film Festival entry na “Miracle in Cell No.7” na umani ng parangal sa iba’t ibang award-giving bodies.

Baka Bet Mo: Ano nga ba ang inamin ni Dani Barretto patungkol kay Rico Yan?

Balitang natapos na ni Alden ang shooting para sa pelikulang “Five Break-Ups and A Romance” kung saan kasama naman niya si Julia Montes. Kaya naman after this, segue na agad siya sa project nila ni Julia Barretto.

Samantala, knows naman daw ni Julia na si Bea ang papalitan niya sa “A Special Memory”, “I think yes kasi na promote na yan dati noong unang i-announce and she’s professional naman and nagustuhan niya ‘yung role.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


Ibig sabihin nito, hindi big deal kay Julia kung maging isyu man ang pagtanggap niya sa inayawang project ng ex-girlfriend ng dyowa niyang si Gerald Anderson. At mukhang wala ring isyu sa kanya kung tawagin siyang “tagasalo” lang ni Bea.

Aside from this, may gagawin pang isang movie si Julia kung saan makakasama naman niya si Aga Muhlach.

Pahayag ni Boss Vincent, “Well excited siya, hindi lang dito pati ‘yung movie nila with Aga Muhlach ‘yung ‘Forgetting.’ Siyempre isa si Julia sa mga importanteng artista ng Viva so binibigyan siya ng magaganda and malalaking projects.”

Nadine bumalik na sa Viva, pumayag nang gumawa uli ng pelikula

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rufa Mae Quinto nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid: Grabe pala malagasan, iba din!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending