Ano nga ba ang inamin ni Dani Barretto patungkol kay Rico Yan? | Bandera

Ano nga ba ang inamin ni Dani Barretto patungkol kay Rico Yan?

Therese Arceo |October 04,2022
facebook
share this

Ano nga ba ang inamin ni Dani Barretto patungkol kay Rico Yan?

Therese Arceo - October 04, 2022 - 04:32 PM

Ano nga ba ang inamin ni Dani Barretto patungkol kay Rico Yan?
KALAT na ngayon ang TikTok ang video ni Dani Barretto na panganay ni Marjorie Barretto kay Kier Legazpi kung saan nagkukwento ito patungkol sa kanyang memories kasama ang namayapang aktor na si Rico Yan.

Si Rico Yan ang on-screen partner at karelasyon noon ng tiyahin niyang si Claudine Barretto.

Base sa TikTok video na kuha mula sa naging Instagram live ni Dani kung saan natanong siya ng mga netizens kung ano ang kanyang mga hindi makakalimutang memories niya kasama ang yumaong aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dani Barretto-Panlilio (@danibarretto)

Dito nga nabanggit ng panganay ni Marjorie na marami siyang mga masasayang alaala kasama ang kasintahan ng kanyang Tita Claudine.

“Si Tito Rico, I have really fond memories of him. He used to bring me up to school, pick me up at school, tapos sinasama niya ako sa badminton niya,” saad ni Dani.

Dagdag pa niya, ang pumanaw na aktor rin ang nagturo sa kanya na kumain ng strawberries.

“Marami akong fond memories sa kanya kasi at one point, ‘yung school ko katabi lang ng condo nila nung tita ko so I would sleep there constantly,” kuwento pa ni Dani.

Minsan nga raw ay kapag nasa taping ang kanyang Tita Claudine ay naiiwan silang dalawa ni Rico sa condo.

“Kaya marami akong memories sa kanya talaga noong bata ako,” sey ni Dani.

Marami naman sa mga netizens ang naantig ang damdamin matapos mapanood ang video at muling binalikan ang mga alaala ng namayapang aktor noong nabubuhay pa ito.

Matatandaang noong Marso 29, 2002 nang magulantang ang publiko matapos matagpuan ni Dominic Ochoa ang kaibigang si Rico Yan na wala nang buhay sa kaniyang silid habang nagbabakasyon sila sa isang resort sa Puerto Prinsesa, Palawan.

Ayon sa report ng pulisya, inatake sa puso ang aktor habang natutulog dahil sa haemorrhagic pancreatitis.

 

Related Chika:
Dani Barretto may cryptic post patungkol sa ‘healing’

Dani emosyonal sa 1st day ng online schooling ng anak; Hashtag Nikko nag-propose na sa long time partner

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim, Dani nilaglag si Bela; totoo nga bang naging dyowa si Zanjoe?

Alden may mga childhood memory na ayaw nang balikan: Because it was so painful…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending