Dani emosyonal sa 1st day ng online schooling ng anak; Hashtag Nikko nag-propose na sa long time partner | Bandera

Dani emosyonal sa 1st day ng online schooling ng anak; Hashtag Nikko nag-propose na sa long time partner

Therese Arceo |August 10,2021
facebook
share this

Dani emosyonal sa 1st day ng online schooling ng anak; Hashtag Nikko nag-propose na sa long time partner

Therese Arceo - August 10, 2021 - 07:31 PM


IBINAHAGI ni Dani Baretto ang ilan sa mga litrato nila ng kanyang unica hija na si Millie habang uma-attend ito sa kanyang first day of online class.

“Seeing her attentive and excited really made me and @xavipanlilio so emotional. We’re so proud of you, Mill!!! You did well on your first day! We love you so much,” saad nito sa kanyang IG post.

Dagdag pa nito, hindi ito makapaniwala na nagsisimula nang mag-aral ang anak. Ayon pa sa kanya, bagong gising man ang itsura niya sa mga larawan, iyon naman daw ang proudest moment niya kasama ang anak.

Marami naman ang nag-congratulate sa mag-ina. Ilan na nga rito ay ang malalapit na kaibigan ni Dani sa industriya.

Sey naman ni Sam Lewis, “They grow up so fast no? I got teary eyed with Lukas too when he started. Good job, momma!”

Comment ni Bela Padilla, “So proud of you, Milliephant!”

Nagreply naman si Dani at sinabing bibisita silang pamilya sa aktres soon.

* * *

Inakala ng mga malalapit na kaibigan ni Hashtags Nikko Natividad na prank ang kaniyang balita na magpapakasal na ito sa long time partner na si Cielo Mae Eusebio.

Sa latest vlog kasi ng mga ito, dinaan ng aktor sa biro ang pagbabalitang engaged na sila ni Cielo at magpapakasal na ngayong taon.

Base sa vlog, si Hashtag Zeus Collins ang pinili ng aktor na maging best man sa darating niyang kasal.

Biniro naman siya ni Zeus at sinabi siya na ang bahalang mag-organize ng bachelor’s party kung saan tatawag sila ng mga babaeng makakasama sa party.

Agad naman siyang hinampas ni Cielo at nagbiro na hindi na magpapakasal.

Biniro naman nito si Hashtag Wilbert na siya na lang ang maging music operator sa kasal nito para makatipid at dahil may background naman daw ito sa mga ganoong gawain.

Bago matapos ang vlog, napa-wow ang netizens ng sinabi ni Aidan, anak ng dalawa, na tama lang daw ang gagawin ng kanyang papa na pakasalan ang mama nito.

Ani niya, “that’s the right thing to do.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pitong taon na ring nagsasama ang dalawa at ngayon na nga angtamang oras para sila ay mag-settle down dahil lumalaki na rin ang kanilang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending