Kim, Dani nilaglag si Bela; totoo nga bang naging dyowa si Zanjoe?  | Bandera

Kim, Dani nilaglag si Bela; totoo nga bang naging dyowa si Zanjoe? 

Therese Arceo |July 15,2021
facebook
share this

Kim, Dani nilaglag si Bela; totoo nga bang naging dyowa si Zanjoe? 

Therese Arceo - July 15, 2021 - 01:04 PM

INILAGLAG nga ba ng kanyang mga kaibigan si Bela Padilla sa tunay na naging relasyon nito kay Zanjoe Marudo?

Sa latest vlog kasi ni Kim Chiu na “Who Knows Bela better?”, kasama si Dani Barretto, tila pinagkaisahan nila ang aktres sa sagot nito nang tanungin sila kung sino ang boyfriend nito bago si Norman, ang kanyang current boyfriend.

Sabay namang sumagot ang dalawa ng “Zanjoe Marudo” na siyang ikinagulat ng dalaga.

Makikitang sinabunutan pa ni Bela si Kim na panay lang ang tawa. Agad namang dinenay ni Bela ang sagot ng dalawa at sinabing, “Hindi ko siya naging boyfriend.”

Matatandaan na nagsimula ang closeness nila ng aktor noong magkatrabaho sa teleseryeng “My Dear Heart”. Naging usap-usapan rin kung tunay ba silang magkarelasyon ngunit agad itong itinanggi ng dalawa.

Sa ngayon, going strong naman ang relasyon ng dalaga sa kanyang boyfriend na si  Norman Bay Ben. Sa katunayan, lumipad pa-Italy ang aktres upang makasama ang binata.

Unang nakilala ng aktres ang binata noong lumipad ito pa-Switzerland para sa pelikulang “Meet Me In St. Gallen”.
Naging magkaibigan umano ang dalawa at nagpatuloy ang komunikasyon sa isa’t isa bago naging pormal na magkarelasyon nitong 2020.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending