Ogie Diaz kinukwestiyon ng fans matapos i-spluk na hiwalay na ang LizQuen: ' This is really disrespectful' | Bandera

Ogie Diaz kinukwestiyon ng fans matapos i-spluk na hiwalay na ang LizQuen: ‘ This is really disrespectful’

Therese Arceo |June 01,2023
facebook
share this

Ogie Diaz kinukwestiyon ng fans matapos i-spluk na hiwalay na ang LizQuen: ‘ This is really disrespectful’

Therese Arceo - June 01, 2023 - 08:39 PM

Ogie Diaz kinukwestiyon ng fans matapos i-spluk na hiwalay na ang LizQuen: ' This is really disrespectful'
AGAD na pinutakti ng mga fans at supporters nina Liza Soberano at Enrique Gil ang talent manager na si Ogie Diaz matapos ang pahayag nito ukol sa paghihiwalay ng dalawa.

Matatandaang nitong Martes, May 30, ibinalita ng talent manager sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Update” na naghiwalay ang LizQuen.

Pagbabalik tanaw nga ni Ogie, nagsimula raw ang mga chika na baka hiwalay na ang dalawa sa mga nakaraang pahayag ni Liza kung saan hindi nito binabanggit ang pangalan ni Enrique.

Isa rin daw ang hindi pagpabor ni Liza sa mga love teams sa pagkakaroon ng agam-agam ng mga netizens.

“Kaya nagkaroon ng agam-agam na baka wala na sila, dahil nga una, hindi niya pinagmamalaki ‘yung boyfriend niya. Kasi kung ano magpo-post ‘yan si Liza. Tapos nung birthday din ni Enrique, wala ring greeting online,” saad ni Ogie.

At ang nakarating nga raw sa kanya ay tuluyan na ngang naghiwalay ang dalawa at ayon sa kanyang nakalap sa kanyang source ay mas pinili ni Liza na mag-focus muna sa kanyang career programming.

Pagpapatuloy ni Ogie, “Ang nakarating sa’tin, si Enrique ‘yung nagpu-push pa na baka kaya pa, na posible pang ituloy. Pwede naman niyang i-allow si Liza kung gusto man ni Liza na tuparin ang kaniyang Hollywood dream, pero sila pa rin.”

Hiling naman niya na sana raw ay hindi totoo na hiwalay na ang dalawa.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nakatanggap nga ba ng mensahe ng pakikiramay mula kina Liza at Enrique?

Aniya, “Kung totoo man na wala na sila Enrique at Liza, ang importante naman lagi sa isang relasyon nag-end up kayo as still friends. Kung hindi man friends, civil with each other.”

Sey pa ni Ogie, gusto pa raw ituloy ni Enrique ang kanilang relasyon pero si Liza a ang may ayaw.

Kaya naman agad na nag-react at dumipensa ang mga fans at supporters nina Liza at Enrique laban sa dating talent manager ng dalaga.

“Who gave Ogie Diaz the right to speak up about this matter? It’s a basic act of human respect to exercise restraint from talking about sensitive matters in other people’s lives. Unless it’s fun to have that much of attention. Grow up, kid,” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Whether its true or not, it’s not Ogie Diaz’s position to reveal Liza and Enrique’s relationship status. This is really disrespectful??”

Sa kabila ng mga pagkuwestiyon sa talent manager ay may nagtanggol naman dito.

“Ewan ko, ha! Parang mas credible si Ogie Diaz kesa sa tatay ni Liza. Honest naman si Ogie. Normally, kung di n’ya naman alam ang isang balita sinasabi n’ya.”

“This has been the way showbiz was. And Ogie Diaz was already there before us. Lahat ng showbiz chismis mai-expose. So why call him out??? OA sa pagka-sensitive. Liza and all the Artistas do not have a 360 private lives. Pinili nila ‘yan,” sey naman ng isa.

Related Chika:
Liza humingi na ng tawad kina Ogie, Enrique, sa ABS-CBN at sa fans; may mensahe rin sa pumanaw na discoverer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Liza Soberano, Enrique Gil spotted together matapos ang diumano’y hiwalayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending