Ahas naging sanhi ng ‘brownout’ sa ilang bayan sa Bohol –NGCP
ILANG bayan sa Bohol ang nakaranas ng “brownout” kaninang umaga, June 1.
Ito ay dahil sa isang ahas na natagpuan sa switchyard ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) substation na located sa bayan ng Corella ng nasabing probinsya.
Ayon sa NGCP, ilan lamang sa mga nawalan ng kuryente ay ang mga bayan ng Loon, Maribojoc, Cortes, Antequera, Corella, at Sikatuna.
Para sa kaalaman ng marami, ang mga nabanggit na lugar ay pinagsisilbihan ng distribution utility na Bohol I Electric Cooperative (Boheco 1).
Baka Bet Mo: PAGASA: Bagyong Betty palabas na ng bansa, Signal no. 1 sa Batanes; 2 bagyo ngayong Hunyo inaasahan
Nangyari ang tatlong sunud-sunod na “short line trippings” sa mga oras na 8:23 a.m., 8:27 a.m., at 8:33 a.m.
Dahil sa nangyari, humingi ng paumanhin ang ahensya at sinabing hindi na nila kontrolado ang naging sitwasyon.
“We request your patience and understanding on this matter as this is beyond our control,” sey sa inilabas na pahayag ng NGCP.
Samantala, inanunsyo ng ahensya na magkakaroon din ng “emergency power interruption” ang iba pang bahagi ng Bohol at Tagbilaran City simula 10 a.m. hanggang 4 p.m. ng Huwebes, June 1.
Sinabi ng NGCP na nagsasagawa sila ng aktibidad para sa upgrading project ng kanilang Tagbilaran Substation na nakakaapekto sa Corella-Tagbilaran-Garcia 69kV line.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga substation ng Dampas at San Isidro na pinagsisilbihan ng distribution utility na Bohol Light Company, Inc.
Pati na rin ang bayan ng Loay, at ang Bolod at Lourdes Substations sa bayan ng Panglao na pinagsisilbihan naman ng Boheco 1.
Read more:
Rabiya nag-sorry sa 2 Miss Universe candidate na inokray ng ilang Pinoy pageant fans
Ivana game pumasok sa PBB: Lahat gagawin ko as a housemate, ayaw kong may special treatment
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.