Vice: 'Gusto kong maka-discover ng bagong bata na mamahalin ulit ng mga tao at pwede kong makasama sa next projects ko' | Bandera

Vice: ‘Gusto kong maka-discover ng bagong bata na mamahalin ulit ng mga tao at pwede kong makasama sa next projects ko’

Ervin Santiago - May 30, 2023 - 08:02 AM

'Gusto kong maka-discover ng bagong bata na mamahalin ulit ng mga tao at pwede kong makasama sa next projects ko'

Vice Ganda at ang mga ‘Isip Bata’ kids

“GUSTO kong maka-discover ng mga bagong bata, yung mamahalin ulit ng mga tao.” Yan ang isa sa mga misyon ni Vice Ganda sa pagsilang ng “Isip Bata” segment ng “It’s Showtime.”

Ayon sa Phenomenal Box-Office Star, nais niyang makasama sa mga susunod niyang projects ang mga talentado at bibong bata na madidiskubre sa kanilang noontime show.

Sabi pa ni Vice, itinuturing na niyang “baby” ang “Isip Bata” dahil isa siya sa mga nakaisip nito habang nagbe-brainstorming sila ng mga kasamahan sa “Showtime”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Sa guesting ng TV host-comedian sa 7th anniversary episode ng “Magandang Buhay” kahapon, May 29, binalikan nga ni Vice kung paano nagsimula ang nasabing segment.

“I collaborate with the staff, hindi ba? Part ako ng creative. So ‘yung mga binubuo namin, talagang sama-sama kami roon.

“So nu’ng nag-iisip kami ng ano pa ba ‘yung nami-miss natin?’ Kasi ang dami namang hinahain sa ‘Showtime.’ Maya’t maya iniisip ano bang bagong segment, hindi ba? Ah mga bata, ang tagal ng walang bata sa TV,” chika pa ng komedyante.

Baka Bet Mo: John Arcilla puring-puri si Francine Diaz: ‘Isa ka sa mga batang artista ngayon na gustung-gusto kong makasama’

“At the same time, gusto ko ulit, na-miss ko kasi sa pelikula ko sabi ko, ito ‘yung first Metro Manila Film (Festival) entry ko na wala akong kasamang bata.

“So sino kaya ang batang pwede kong makasama kung gagawa ulit ako ng pelikula, sabi kong ganu’n. So gusto ko maka-discover ng bagong bata. Baka may bagong bata na mamahalin ulit ng mga tao.

“Tapos pwede ko siyang makasama sa next projects ko. At miss na miss na nating makakita ng mga batang bibo,” chika pa ni Meme.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


In fairness, sikat na sikat ngayon at laging viral at trending ang mga “Isip Bata” episodes tampok ang mga batang sina Argus, Kulot, Jaze at Imogen.

Sa isang bahagi ng “Magandang Buhay”, ipinakita rin ang pagbisita ng mga talentadong bagets na nagsabing mahal na mahal at inaalagaan sila ng kanilang Meme Vice.

Mensahe naman ng TV host-comedian sa kanyang mga bagong anak-anakan, “Lagi kong sinasabi sa kanila maraming-maraming salamat dahil ang daming buhay ang pinapasaya nila. Ang daming natutuwa sa inyo.

“Ang daming puso ang nagiging masaya kapag pinapanood kayo kapag naririnig kayong magsalita. Habang tumatagal, tumatanda na rin tayo, nag-asawa na ‘yung mga kasama ko, nagkaanak na.

“Hindi tulad dati mga bagets kami harutan kami nang harutan. May mga bagay kaming hindi na rin nagagawa at hindi naibibigay, ‘yun ang naibibigay nila ngayon.

“Kaya malaki ang utang na loob ng ‘Showtime’ sa kanila. Maraming, maraming salamat sa inyo,” lahad pa ni Vice Ganda.

Hirit pa niya, “At sana ay magkaroon pa kayo ng malaking oportunidad sa susunod na panahon sa TV man o sa pelikula at sana ay may malaking naitulong din ito sa mga buhay niyo.”

Lovelife hugot ni Vice: May taong pinakikitaan ka ng maganda kasi may masamang intensyon sa ‘yo…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iza sa babaeng magiging dyowa ni Jake: ‘Yung mamahalin siya nang buong-buo kasi buong-buo rin siyang magmahal’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending