Lovelife hugot ni Vice: May taong pinakikitaan ka ng maganda kasi may masamang intensyon sa 'yo... | Bandera

Lovelife hugot ni Vice: May taong pinakikitaan ka ng maganda kasi may masamang intensyon sa ‘yo…

Ervin Santiago |August 22,2021
facebook
share this

Lovelife hugot ni Vice: May taong pinakikitaan ka ng maganda kasi may masamang intensyon sa ‘yo…

Ervin Santiago - August 22, 2021 - 08:48 AM

Vice Ganda at Ion Perez

“MAMAHALIN ka ng tao lalo na kung mabuti ka.” Ito ang paalala ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa mga kaibigan niyang beki patungkol sa usaping lovelife.

Sa pinakabagong vlog ng TV host-comedian na kinunan sa nakaraang pagbabakasyon niya sa Cebu kasama ang mga kaibigang sina MC, Lassy at Chad Kinis o mas kilala ngayon bilang Beks Battalion.

Dito, napag-usapan nila ang tungkol sa usaping love at ang iba’t ibang klase ng pagmamahal lalo na sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Sey ni Vice, hindi nasusukat sa itsura at estado ng buhay ang pagmamahal lalo na sa mga beking tulad nila.

“Mamahalin ka ng tao lalo na kung mabuti ka. Maaaring hindi ka naman niya mahal na mahal agad nu’ng simula, maaaring nu’ng simula ikaw lang yung nagmamahal, pero dahil sa kabutihan mo, minamahal ka na niya nang unti-unti,” paliwanag ni Vice. 

Aniya pa, may dalawang intensyon ang tao kung bakit gumagawa ito ng mabuti, maaaring mabuti ang intensiyon nito at pwede ring masama.

“Kaya ka pinapakitaan ng maganda kasi maganda yung intensyon sa ‘yo. Yung iba kaya ka pinapakitaan ng maganda kasi may masamang intensyon sayo na hindi niya makukuha kung di ka muna niya pakikitaan ng maganda,” chika pa ng Kapamilya comedian. 

Ipinagdiinan din ng TV host na may mga relasyong toxic at ito ang dapat na iniiwasan at hindi na ipinagpapatuloy dahil sa huli ay siguradong hindi rin magiging maganda ang ending.

“Hindi porket masarap, na masarap ang pakiramdam, kahit alam mong may mali, dinidiretso mo pa rin. Yun ang toxic. Kung ikasisira mo, huwag. May masayang hindi mo ikakasira. Be smart. Let’s try to be smart,” aniya pa.

Maligaya ngayon ang estado ng lovelife ni Vice dahil matagal-tagal na rin ang relasyon nila ni Ion Perez at in fairness, walang masyadong intriga o tsismis tungkol sa kanilang pagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami ang nagsasabi na maswerte si Vice kay Ion dahil totoo ang pagmamahal nito sa kaya naman ginagawa rin ng TV host ang lahat para mapaligaya ang kanyang boyfriend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending