Kanino dapat mapunta ang anak kapag magkaaway ang mga magulang...pasok ‘CIA with BA’! | Bandera

Kanino dapat mapunta ang anak kapag magkaaway ang mga magulang…pasok ‘CIA with BA’!

Ervin Santiago - May 30, 2023 - 07:59 AM

Kanino dapat mapunta ang anak kapag magkaaway ang mga magulang...pasok ‘CIA with BA’!

Boy Abunda, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano

HINDI na bago sa atin ang mga sitwasyon kung saan naghihiwalay ang mga magulang at nag-aaway para sa custody ng mga anak, lalo na dito sa Pilipinas.

Sa pinakahuling episode ng public service program na “CIA with BA” (Cayetanos in Action with Boy Abunda), pinag-usapan ng magkapatid na Sen. Alan Peter at Sen. Pia Cayetano at ng TV host na si Boy Abunda ang reklamo ng isang ama (Gerry) na hindi pinapayagan na makasama ang mga anak na nasa pangangalaga ng ina (Luz).

Binigyang-diin ni Alan sa mga taong involved sa usapin at sa mga nanonood last Sunday, May 28, ang pangkalahatang patakaran sa mga ganitong kaso.

“Kapag magkahiwalay, pero pareho n’yong anak, hindi mo pwedeng ipagkait na makita, makilala, makapiling ‘yung nanay o tatay, kung sino man ang may custody nu’ng anak.

“Ang pinakaimportante sa batas ay ‘yung welfare at best interest ng bata,” sabi niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ngunit may exception din ito, sabi ng senador “Kung danger ‘yung isa (nanay o tatay) du’n sa anak or kung merong restraining order for any of the reasons allowed by law na ibinigay either nu’ng barangay or nu’ng korte,” paliwanag pa ni Alan.

“So kung sinabing masasaktan o sinasaktan ‘yung bata o inaabuso, it’s a danger du’n sa child so pwedeng ipagbawal,” paglilinaw pa ng senador.

Baka Bet Mo: Payo nina Boy, Alan at Pia sa mga nakasaksi ng pang-aabuso: ‘Stand up, magsumbong, ipaalam sa kinauukulan’

Naging malinaw naman ang lahat para sa mga nag-aaway habang ipinaaalala ni Alan na, “Kung sinong may custody, gumagawa ng rules pero it has to be reasonable, dito may complication.

“It’s as simple as magkagalit kayo, you don’t want to see him pero ikaw (Gerry), ayaw mo siyang makita pero gusto mong makita ‘yung mga anak, very clear, may karapatan kang makita ‘yung mga anak mo,” aniya pa.

Sa pagtatapos ng “Case 2 Face” segment, ipinakita ng programa na naayos din naman eventually ang kaso.

Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama nina Senador Alan Peter at Pia.

Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

Panoorin ng “CIA with BA” tuwing Linggo, 11:30 ng gabi sa GMA 7.

Derek, Ellen 3 beses pa lang nag-aaway: Pareho kaming may strong personality, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Boy Abunda, Alan Peter Cayetano ramdam na ramdam ang bigat ng kalooban ng mga nagrereklamo sa ‘CIA with BA’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending