Ice Seguerra, Romnick Sarmenta gaganap na magdyowa sa 'Drag You & Me', game na game sa kissing scene | Bandera

Ice Seguerra, Romnick Sarmenta gaganap na magdyowa sa ‘Drag You & Me’, game na game sa kissing scene

Ervin Santiago |May 24,2023
facebook
share this

Ice Seguerra, Romnick Sarmenta gaganap na magdyowa sa ‘Drag You & Me’, game na game sa kissing scene

Ervin Santiago - May 24, 2023 - 07:50 AM

Ice Seguerra, Romnick Sarmenta gaganap na magdyowa sa 'Drag You & Me', game na game sa kissing scene

Romnick Sarmenta at Ice Seguerra

SIGURADONG pag-uusapan at magiging mainit ang balitaktakan ng mga netizens kapag napanood na nila ang latest offering ng iWantTFC, ang digital series na “Drag You & Me.”

Ito’y pinagbibidahan nina Andrea Brillantes, Romnick Sarmenta, Ice Seguerra, JC Alcantara, Christian Bables at Jon Santos.

Nabigyan kami ng chance na mapanood ang pilot episode nito kamakalawa ng gabi, May 22, sa ginanap na grand media launch ng serye kung saan present ang halos lahat ng cast members.

In fairness, promising ang “Drag You & Me” na nakasentro sa makulay ngunit masalimuot at madramang buhay ng mga drag queens at ng kani-kanilang mga pamilya. In fact, bitin na bitin kami sa unang pasabog at paandar ng programa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph)


Feel na feel namin na bukod sa mga bidang sina Andrea, Christian at JC, mang-aagaw ng eksena sa serye sina Ice at Romnick na gumaganap na mag-partner sa kuwento bilang mga magulang ng karakter ni Andrea.

Sa simula pa lang ay nagpakitang-gilas na ang dalawa dahil bukod sa pagdadrama ay pinatawa at pinakilig na nila agad ang mga manonood. At nabitin pa nga ang lahat nang ipakita sa teaser ng next episode ang kanilang kissing scene.

Baka Bet Mo: Romnick todo puri sa KathNiel: Wala silang pinipiling kasama, kung sinuman sa kanila ang naging anak ko matutuwa ako

Sayang nga lang at wala si Romnick sa presscon at special screening ng “Drag You & Me” dahil gusto namin siyang tanungin kung bakit napapayag siyang makipaghalikan on screen.

Sa isang panayam kasi namin sa aktor ay nasabi niyang ayaw talaga niyang makipag-kissing scene at makipag-love scenes sa mga teleserye at pelikula dahil hindi siya kumportable.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph)


“Ayokong may masasabi ang kaeksena ko. Hindi rin kailangang ipakita nang actual, in my own perspective. There are so many ways na puwedeng ipakita in a very symbolic manner,” paliwanag niya.

Sa nasabing serye gaganap na drag queen si Romnick habang isang transman naman si Ice. Inaasahan namin na mas marami pang pasabog ang kanilang “loveteam” na ikakawindang ng manonood.

Bago magsimula ang Q&A ay natanong nga namin si Ice tungkol sa halikan nila ni Romnick. Sinabi namin sa kanya na hangga’t maaari ay umiiwas nga ang aktor sa kissing scene pero bakit sa kanya ay pumayag ito.

Sagot ng OPM at movie icon, “Espesyal daw ako!” sabay tawa. Abangers na lang tayo kung anu-ano pa ang pasorpresa nina Ice at Romnick sa “Drag You & Me.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph)


Ang nasabing digital series ay isa sa mga iWantTFC’s Pride Month offering na mapapanood na simula sa June 2. Sa seryeng ito’y pinahahalagahan ang self expression at sense of belonging sa kung ano mang pamilya mayroon ka.

Kasama rin dito ang mga real life drag queens na sina Brigiding, Vinas Deluxe, Xhilhoute, at Precious Paula Nicole. Join din sa serye sina Kaladkaren Davila, Cris Villanueva, Albie Casino, Lance Carr, PJ Endrinal, Jeric Raval, Amy Nobleza, Noel Comia Jr., at Yves Flores.

May special participation din sa kuwento ang mga Golden Gays na sina Flor Bien Jr., at Rico Reyes, mula sa direksyon ni JP Habac.

Romnick Sarmenta sa pagtanggap ng gay role sa ‘About Us but Not About Us’: I realized how good the piece was

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Eleksyon hugot ni Romnick: Paano ba pumili ng kandidato? Gusto n’yo ba ng barumbado o pilosopo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending