Ice Seguerra hindi tinitira sa videoke ang sariling kanta

Ice Seguerra hindi tinitira sa videoke ang sariling kanta, may hugot?

Ervin Santiago - April 14, 2024 - 07:50 AM

Ice Seguerra hindi tinitira sa videoke ang sariling kanta, may hugot ba?

Ice Seguerra

MAY bonggang paandar at pasabog na naman ang OPM icon na si Ice Seguerra para sa kanyang mga loyal fans and supporters.

Yan ay ang una niyang concert ngayong 2024, ang “Videoke Hits” na gaganapin sa Music Museum sa May 10 at 11.

Ang “Videoke Hits” ay para sa lahat ng mga mahihilig mag-videoke o karaoke kung saan pwedeng-pwedeng maki- jamming ang lahat ng nasa audience.

Baka Bet Mo: Regine naloka, inireklamo ang score sa videoke: Kinanta ko yung song ko tapos ito lang, eh!

“My favorite pastime is singing talaga. Mayroon pa kaming sariling portable videoke machine na dala ko kahit saan. Sa tuwing gusto kong mag-destress, ang kailangan ko lang ay maghanap ng mic, pumunta sa Youtube para sa lyrics, solve na,“ pahayag ni Ice.

Makikita ang husay ni Ice sa entablado na may karaoke vibe na hindi katulad ng iba, na nagbibigay-daan sa mga fan na maranasan ang kanilang mga paboritong hit na may twist na si Ice lang ang makapaghahatid.

Mula sa mga classic ballad hanggang sa mga sikat na sikat ngayong chart-toppers, ang setlist ay magtatampok ng magkakaibang choice ng kanta na pinili ng kanyang mga tagahanga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)


Bago kasi ito ay nagtanong si Ice sa pamamagitan ng kanyang social media pages kung anu-anong kanta ang gustong-gustong kinakanta ng mga netizens sa videoke.

“One trivia about me ‘pag nagbi-videoke ako, I don’t want to sing my own songs kasi feeling ko, trabaho. So sa videoke ko inilalabas ‘yung mga paborito kong kanta na hindi ko makita sa shows.

“From birit songs to Broadway to just about anything. Kaya naman sobrang excited ako sa Videoke Hits because I get to sing and perform my favorite videoke songs and share it with my fans, of course with the Ice twist,” sey pa ni Ice.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam

“Bilang producer at creative director ng pinakabagong concert na ito, ang Videoke Hits, ang hamon namin ay gumawa ng tunay na videoke experience sa loob ng Music Museum na mararamdaman ng audience na ka-videoke nila si Ice.

“Magiging iba ito sa mga palabas ni Ice dahil mas interactive ang concert na ito. Ang mga bisita ay maaaring humiling ng kanilang mga kanta sa real time.

“They get to sing along with Ice, and we have jammers who will perform onstage with him. Without spoiling the fun, I also want to share na sasayaw si Ice. So yes, doon pa lang, ibang Ice Seguerra ang mae-experience rito,” sabi naman ni Liza Diño-Segeuerra, CEO ng Fire and Ice LIVE!

Sumali sa party at maging bahagi ng communal experience na ito! Kasama si Ice, ibirit ang mga sikat na videoke classic habang pinangungunahan ni Ice ang pagkanta sa kung ano ang nakatakdang maging pinaka-nakahihimok na konsiyerto na iyong napuntahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ay ipinrodyus ng Fire and Ice LIVE at presented ng Katinko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending