Alden umaming 'sumablay' bilang host ng Miss Universe PH 2023: 'Wala naman pong may kasalanan, ayoko rin pong manisi ng tao' | Bandera

Alden umaming ‘sumablay’ bilang host ng Miss Universe PH 2023: ‘Wala naman pong may kasalanan, ayoko rin pong manisi ng tao’

Ervin Santiago |May 22,2023
facebook
share this

Alden umaming ‘sumablay’ bilang host ng Miss Universe PH 2023: ‘Wala naman pong may kasalanan, ayoko rin pong manisi ng tao’

Ervin Santiago - May 22, 2023 - 07:22 AM

Alden umaming may 'konting sablay' bilang host ng Miss Universe PH 2023: 'Wala naman pong may kasalanan, ayoko rin pong manisi ng tao'

Alden Richards

AMINADO naman ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na may “sablay” talaga sa pagho-host niya sa naganap na Miss Universe Philippines 2023 grand coronation night.

Nangyari ito sa announcement ng Miss Friendship award kung saan ang tinawag ni Alden ay ang kandidata mula sa Agusan del Norte na si Jannarie Zarzoso pero ang tunay na winner pala ay si Shayne Glenmae Maquiran ng Capiz.

In fairness, naitama naman agad ito ni Alden kasabay ng pag-announce kay Miss Agusan del Norte ng Face of Social Media Award. Pero as expected, marami ang nam-bash sa Kapuso matinee idol at binansagan pa siyang “Steve Harvey” ng Pilipinas.

Ito’y dahil sa pagkakamali rin ni Steve Harvey sa pag-anunsiyo ng pangalan ni Miss Colombia Ariadna Gutierrez bilang  Miss Universe 2015 pero ang totoo palang nagwagi ay si Pia Wurtzbach ng Pilipinas.

Sa panayam ng “Ogie Diaz Showbiz Update” channel sa YouTube, nagsalita nga si Alden about the controversial “Steve Harvey” moment sa Miss Universe Philippines pageant this year.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nagkamali ng announcement yung Miss Congeniality. Ang na-announce niyang winner sa nasabing award ay yung parang Miss Face of Social Media something, ganu’n. So, kinorek niya naman agad,” ayon sa co-host ni Ogie na si Mama Loi.

Paliwanag pa ni Alden sa nangyari, baligtad daw kasi  ‘yung pagkakalagay ng mga pangalan ng dalawang winner, “Nasa ilalim po ‘yung Friendship, tapos nasa taas po ‘yung Social Media. Eh, Friendship po ‘yung una kong binanggit.”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin umaming nagkaroon ng cancer scare: Alam n’yo po, wala pong taong matapang pagdating sa operasyon

Sabi naman ni Papa O, “Siyempre kakaibang experience ito para kay Alden Richards. At tinanong nga natin si Alden ano yung masasabi niya sa kanyang experience na mag-host ng beauty pageant. At pangalawa, nagpaka-Steve Harvey siya.”

“Alden ano ang feeling at nakapag-host ka ng Ms. Universe-Philippines,” unang tanong ni Ogie na sinagot ni Alden ng, “Masarap po sa pakiramdam at different experience po kaya lang may sablay nu’ng una eh.”

Patuloy na paliwanag ng Kapuso superstar, “Yun, wala naman pong may kasalanan, ayoko rin naman pong manisi ng tao. Na-address naman po, nasalo naman po natin ng maayos.

“Sana po hindi yun ang huli, sana makapag-host pa tayo ng ibang prestigious pageant,” aniya pa.

Sabi naman ng aktor sa pagkukumpara sa nangyari kay Steve Harvey noon sa 2015 Miss Universe pageant, “Oo nga po, eh! But I’ll take that as a compliment.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


Paglalarawan pa niya sa naging experience niya bilang host ng naturang beauty contest, “Nakakataranta siya, live po siya, eh. Tapos may ganu’ng error.

“Pero yun din po ang ipinagpapasalamat kong training sa Eat Bulaga, kung paano ko siya sasaluhin. So, naayos naman po, nasalo naman, at pareho naman silang nanalo,” sabi pa ni Alden.

Na-happy naman ang binata sa magagandang comments ng netizens kahit pa meron siyang slight na sablay,
“More on natatawa po sila, kasi parang kung paano ko raw po na-handle ‘yung ganu’ng situation.

“Pero kung pangit po kasi ang pagkakasalo nu’n, medyo ka-bash-bash po ‘yun, eh. Pero kung hindi po natin naitawid nang maayos, which is naitawid naman po. Naging maayos naman po ‘yung delivery ng awards,” sabi pa ni Alden.

Vice Ganda aminadong ‘sablay’ sa hirit kay Karylle, nangakong babawi sa kaibigan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kryz Uy umaming maraming sablay bilang first-time nanay; natuto na sa tamang pagpapadede, pagpapatulog ng baby

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending