Gigi de Lana matapos maaksidente sa La Union: Hintayin niyo lang ako, magpapagaling ako
HIHINTO muna sa pagkanta ang singer na si Gigi de Lana upang magpagaling at magpahinga.
Sa kanyang latest Facebook post, ibinandera niya ang isang video clip na kung saan ay may mensahe siya sa kanyang fans at tagasuporta matapos maaksidente noong nakaraang linggo.
Nagpasalamat na muna siya dahil marami raw ang nag-alala sa kanyang kalagayan.
Kasunod niyan ay nanawagan na siya na hintayin daw siya sa kanyang pagbabalik.
“Gusto ko po siyempre mag-thank you sa kanila kasi marami pong concern sa health ko, lalo na po sa voice,” sey niya sa video.
Patuloy pa niya, “Maraming, maraming salamat sa inyo sa suporta and hintayin niyo lang ako.”
“Magpapagaling ako and babalik ako ng mas malakas and mas healthy,” ani pa niya.
Dahil sa post, bumuhos ulit ang “well wishes” ng libo-libong netizens para sa singer at sa kanyang kabanda.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“Nawa’y gabayan kayo ni LORD SA araw araw at pagkalooban ng kagalingan at malusog na pangangatawan [red heart emojis] keep safe always.”
“Take a rest & always take care of your health love you god bless u!!!”
“I wish you and your loved ones good health. Praying that God will lift the burden on your shoulder, give you true happiness and peace of mind in your daily life [folded hands emojis].”
Magugunita noong May 14 nang maganap ang aksidente sa isang lugar sa La Union ilang oras maganap ang kanilang concert sa Ilocos Norte galing sa nauna nilang show.
Ayon sa naging official statement, sugatan si Gigi at ilang miyembro ng bandang “The Gigi Vibes,” pati na rin ang apat pang crew members.
Nagawa pa ngang mag-perform ng aktres pagkatapos magpagamot sa ospital, ngunit hindi natapos ang show dahil tila nanghina ang singer at hindi na makakanta.
Noong Abril lamang, inanunsyo ni Gigi na magpapahinga na muna siya sa pagkanta ng dalawang buwan matapos ma-diagnose na may “nodules” o maliliit na bukol sa lalamunan.
Ipinaliwanag ng singer na hindi pa malala ang na-diagnose sa kanya kaya aagapan na niya ito sa gamot at pahinga.
Related Chika:
Gerald umalma sa chikang nabuntis daw si Kylie: Hintayin na lang natin after 9 months
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.