EXCLUSIVE: Faney na-meet si Olivia Rodrigo sa Intramuros

EXCLUSIVE: Faney na-meet si Olivia Rodrigo sa Intramuros: Parang VIP na!

Khristine Royo - October 04, 2024 - 07:01 PM

EXCLUSIVE: Faney na-meet si Olivia Rodrigo sa Intramuros: Parang VIP na!

PHOTO: Courtesy of Steven Dominique Mariano

Isa ka rin ba sa mga die-hard fan ng Filipino-American singer-songwriter na si Olivia Rodrigo at hindi pinalad na maka-secure ng ticket sa kanyang GUTS World Tour sa Manila?

Puwes, hindi lang sa concert niya ang may pagkakataon na makita nang malapitan ang “Vampire” hitmaker!

Recently lang kasi, maraming netizens na ang nakaranas ng “unexpected meet and greet” kasama si Olivia.

Ito ay bago ang inaabangan at nalalapit niyang show sa Philippine Arena sa Bulacan ngayong Sabado, October 5.

Kabilang na riyan ang maswerteng fan na si Steven Dominique Mariano na talagang mapapa-“sana all” ka ng bonggang-bongga dahil nakilala niya in-person at nakapag-selfie pa siya sa international singer!

Baka Bet Mo: Andrea biktima uli ng fake news dahil kay Olivia Rodrigo: I’m just a fan

Eksklusibong na-interview ng BANDERA si Steven bilang nag-trending na nga ang kanyang Facebook post patungkol sa pagkikita nila ni Olivia.

At naikwento niya sa amin kung paano siya nagkaroon ng chance na makasama si Olivia kahit sa sandaling pagkakataon.

“I work as a tour guide sa Bambike Ecotours sa Intramuros. Last Sept, may nag-contact sa akin thru email na gusto sana nila magpa-book ng bike rental para sa VIP na undisclosed, which is in-approve naman ng company namin,” pagbabahagi niya.

‘Nung una, ang akala raw ng mga kasamahan niya sa trabaho ay mga tao mula sa Department of Tourism o mga kilalang politiko ang magiging VIP. 

Kaya laking gulat nila nang pumasok sila sa trabaho bago kaninang umaga, October 4, ay may mga nakaabang na police escorts at kasabay nito ay may vans din na pumarada. Puro mga foreigners daw ang nakasakay rito. 

Lumapit kay Steven ang contact person niya na nagpa-reserve ng bisikleta, naitanong siya kung ready na ba ang mga rental bikes para magamit sa courtyard ng isang kilalang museo sa Intramuros.

Dito nga super naloka si Steven at mga kasamahan niya nang makita nila ang bumungad sa harapan nila–mismong si Olivia Rodrigo at pamilya nito ang gagamit ng mga bisikleta!

Kwento pa ni Steven, “Ang dami niyang staff na kasama, nagshu-shoot sila roon sa courtyard. Ta’s sinabihan pa kami na pwede siya picture-an pero bawal muna i-post. 

“After ng shoot niya, wala siyang ginagawa, tsaka ko siya tinawag and in-ask if pwede magpalitrato kasama siya. Pumayag naman siya and she posed with my colleagues din.”

“Dapat nga hindi pa selfie ‘yung gagawin kong pic [with] her, kaso baka masyadong time-consuming and I need to respect her time din,” dagdag pa niya.

Back to shooting na raw ang singer-songwriter at doon na siya nag-enjoy magbisikleta kasama ang pamilya niya sa naturang courtyard. 

Umani naman ng sandamakmak na reaksyon mula sa netizens ang naging once-in-a-lifetime experience ni Steven kasama ang sikat na singer-songwriter.

Narito ang ilan sa mga komento nila:

“Mas maswerte ka kasi ‘yung pupunta sa concert hindi pa nga makapag-selfie sa kanya.”

“Such a lucky guy! [emoji]”

“Bambike enthusiast si madam!!!! [emoji]”

“Doon na ako sa nakasalubong with crunchy evidence [emojis].”

“This is giving Fonzi vibes [sparkle emoji].”

“Literal na Happier ni olivia [emoji],”

“Parang VIP na!”

“Mahirap mahanap ‘yan haha. Swerte.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Alexa play jealousy jealousy by Olivia Rodrigo.”

Kahapon, October 3, lamang nang dumating sa Pilipinas ang “Driver’s License” hit singer at aktres na si Olivia Rodrigo kasama ang boyfriend niya na British actor na si Louis Patridge.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending