Olivia Rodrigo, BTS V nagpasabog ng kilig sa 2022 Grammy Awards; 'Filipina', 'Traitor' trending | Bandera

Olivia Rodrigo, BTS V nagpasabog ng kilig sa 2022 Grammy Awards; ‘Filipina’, ‘Traitor’ trending

Ervin Santiago |April 04,2022
facebook
share this

Olivia Rodrigo, BTS V nagpasabog ng kilig sa 2022 Grammy Awards; ‘Filipina’, ‘Traitor’ trending

Ervin Santiago - April 04, 2022 - 03:37 PM

Olivia Rodrigo at BTS member V

HOT na hot at trending ngayon sa social media ang nakakakilig na eksena sa pagitan ng Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo at BTS idol na si Kim Taehyung o mas kilala bilang V sa katatapos lamang na 2022 Grammy Awards.

Naging isa sa top trending topic sa Twitter ang mga pangalan nina Olivia at V pati na rin ang salitang “Filipina” habang ginaganap ang Grammys kagabi, April 3 (U.S. time) sa MGM Grand Garden Arena.

Maraming netizens ang na-shock at kinilig nang makita nilang biglang tumabi si V kay Olivia na nasa audience bilang bahagi ng performance ng BTS with their hit song “Butter.”

Pinagpiyestahan ng mga fans ang isang video clip sa Twitter kung saan makikita si V na nakatitig kay Olivia habang sila’y nag-uusap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Recording Academy / GRAMMYs (@recordingacademy)


Sa isang bahagi ng video, inilapit pa ng Korean idol ang kanyang mukha at tila may ibinulong kay Olivia. Makikita naman ang reaksyon ng international singer na nagulat at  napangaga pa sa sinabi ni V.

Kasunod nito, isang card ang inilabas ni V sabay turo sa stage at inihagis ang hawak na card na parang eksena sa “James Bond” movie.

At dito na mabilis na nagtungo sa stage si V, kasama ang iba pang miyembro ng BTS para sa kanilang “Butter” performance.

Bumuhos naman ang mga positibo at nakakaaliw na comments ng mga netizens sa nakakakilig at nakaka-good vibes na moment nina Olivia at V.

Dahil dito, hindi lang sina Olivia at V at ang BTS ang nag-trend sa Twitter kundi pati nga ang “Filipina” dahil sa pagiging Pinay ng dalaga. Filipino ang tatay ni Olivia na unang nakilala bilang Disney star.

Isang netizen naman ang nagpaalala sa mga fans nina V at Olivia na minsa nang nabanggit ng BTS member dating na gustung-gusto nito ang ganda ng Pinay kaya alam na!

May mga nag-joke naman na bigla raw silang na-brokenhearted dahil kay V at sinabihan pang “traitor” si Olivia dahil siya lang daw ang tinitigan ng ganu’n kalagkit ng Korean idol.

Sa mga hindi pa aware, ang “Traitor” ay isa sa mga hit hugot song ni Olivia. In fairness, nag-trending din ang nasabing kanta dahil sa pakilig na eksena nina V at Olivia sa Grammys.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, tatlong award ang napanalunan ni Olivia sa 2022 Grammy Awards — ang Best New Artist, Best Pop Vocal Album para sa album niyang “Sour” at Best Pop Solo Performance para sa kanta niyang “Driver’s License.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Recording Academy / GRAMMYs (@recordingacademy)

Fil-Am artists Olivia Rodrigo, Bruno Mars, H.E.R. waging-wagi sa 64th Grammy Awards

H.E.R., Olivia Rodrigo wagi sa Apple Music Awards

KC gustong mag-host ng Miss Universe: Sana nga ikaw na lang kesa kay Olivia Culpo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending