Jen Barangan nag-sorry sa inasal sa concert ni Olivia Rodrigo

Jen Barangan nag-sorry sa inasal sa concert ni Olivia Rodrigo

Therese Arceo - October 10, 2024 - 06:39 PM

Jen Barangan nag-sorry sa inasal sa concert ni Olivia Rodrigo

Jen Barangan

NAG-SORRY ang social media personality na si Jen Barangan matapos makatanggap ng sandakmak na pambabatikos sa kanyang naging asal nang dumalo ito sa GUTS World Tour concert ng Filipino0-American singer na si Olivia Rodrigo.

Matatandaang naganap ang sold out concert sa Philippine Arena sa Bulacan noong October 5, 2024.

Nagsimula ang pambabatikos ng netizens kay Jen nang mag-upload ito ng video sa kanyang TikTok account ng video na kuha mula sa nagdaang concert kung saang kinukunan niya ang sarili with flash habang sinasabayan ang mga kanta ni Olivia.

Baka Bet Mo: Nagbenta ng ticket sa Olivia Rodrigo concert sa halagang P46K timbog

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon sa ibang netizens at concertgoers, nakakasilaw sa mga taong nanonood sa likuran ni Jen ang flash na nagmumula sa kanyang cellphone at hindi na kumportableng panoorin ang concert.

Hindi rin daw tama ang ginawa ng personalidad base sa concert etiquette dahil tila binabastos nito ang mga kasama sa concert na hindi na makapanood nang maayos.

Nagpaalala pa nga raw ang produksyon bago ang concert sa responsableng psggamit ng gadgets at siguraduhing di makakaabala sa iba ngunit tila hindi ito sinunod ni Jen.

Agad namang humingi ng tawad ang social media personality sa naging asal niya at sa lahat ng kanyang mga na-offend.

“To everyone, I’m so sorry for my actions,” saad ni Jen.

Sa kabila ng paghingi ng sorry ay marami pa rin sa mga netizens ang hindi natuwa dahil hindi sincere ang dating ng paghingi nito ng paumanhin.

“Don’t you know how to apologize properly? You have to specifically mention what you are apologizing for. This non-apology reeks of arrogance and entitlement,” saad ng isang netizen sa post ni Jen.

Comment naman ng isa, “OA sa Concert. Nonchalant sa apology. Wew hahahahah,”

“Too funny lol this is the most insincere note it’s like you made an apology note just for the sake of it. hope you learn from your actions,” sey pa ng isa.

Sa kabila nito ay may mga nagtanggol pa rin naman kay Jen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bakit galit na galit kayo sa kanya? Sya lang ba ang gumawa ng ganun sa concert? Eh isang kanta nga lang daw yun tapos saglitan lang na vid. Jusko mga pinoy nga naman. Crab mentality.” sabi ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Girl, marami yan gumawa nung nag @blackpinkofficial concert sa Bulacan. Wala naman issue. I was there. Haaay! It’s ok Ms. Jen, nothing will make me hate you.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending