Nagbenta ng ticket sa Olivia Rodrigo concert sa halagang P46K timbog
NAKAKALOKA ang nangyari sa isang fan ng international singer-songwriter na si Olivia Rodrigo na nakabili ng ticket para sa “GUTS” concert sa halagang P23,000.
Dalawang ticket daw sa katatapos lamang na concert ni Olivia ang nabili ng nagngangalang Killa Kush sa isang scalper kaya nagbayad siya ng P46,000.
Ang original price lang ng ticket sa “GUTS” concert tour ay P1,500 kaya matindi talaga ang naging patong ng naturang scalper na pinaniniwalaang isang Singaporean.
Naaresto ang suspek sa labas ng Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan pero raw hindi ito nakulong, base sa report ng “24 Oras.”
Baka Bet Mo: DJ Chacha naaksidente habang nagbibisikleta sa Bulacan: Ang lala talaga ng mga lubak!
Wala pa raw kasing ordinansa ang Bocaue laban sa mga scalper na pagpapatong sa presyo ng tiket sa mga concert at iba pang events sa probinsya.
Kaya ang nangyari, sinabihan na lamang ng mga pulis ang suspek na isauli ang pera ng biktima
Kasunod nito, nagpunta agad si Killa Kush, na galing pa sa Singapore, sa police station kung saan dinala ang scalper.
“Pagdating ko doon, nandu’n siya kasama ‘yung mga pulis. Naka-off pa ‘yung cellphone niya. Tapos sabi ng pulis, ‘sige, i-on mo na ‘yung cellphone. Tsaka ibalik mo ‘yung pera.’ So, nag-bank transfer siya tapos ibinigay ‘yung tickets,” paglalahad ni Killa.
“Sobrang apologetic ng scalper na sabi ko, ‘sige, bayaran kita P1,500 for each ticket.’ So, P3,000.
“Pero sabi ng police, ‘Hindi, masama talaga ‘yung ginawa niya. Kasi binibenta ‘yung ticket na binili mo na to other people for 15,000 pa,'” esplika pa ni Killa na nakapanood pa rin naman ng concert sa kabila ng nangyari.
View this post on Instagram
Sabi ni Police Leiutenant Colonel Manuel De Vera, hepe ng Bocaue Police Station, “Lahat ng concert, pinupuntahan niya para kumita. Allegedly businessman.”
Ayon pa kay De Vera, “Ang sinabi niya agad is willing naman daw siyang ibalik ‘yung payment para lang matapos na ‘yung issue. At hindi naman daw niya pinilit na bilhan o ibenta ‘yung kaniyang tickets doon po sa kay madam.”
Samantala, sa panayam naman ng “24 Oras” kay Atty. Sherwin Tugna, Vice Mayor ng Bocaue, binabalak na nilang magpasa ng ordinansa laban sa mga scalper at iba pang katulad na modus.
“Pag-uusapan namin ito sa Sangguniang Bayan ng Bocaue to protect the consumers, to protect the Bukawennyos kahit na may risk na ma-question ang constitutionality nito.
“‘Yung State kasi hindi puwedeng mag-intervene between a buyer and a seller basta pareho silang nag-agree,” aniya pa.
Ang kinita naman ng “GUTS” concert ni Olivia sa Pilipinas ay ibinigay niya sa Jhpiego, isang organisasyon na nagbibigay ng healthcare assistance sa mga kababaihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.