Concert ni Gary iniintriga, mga scalper nagbenta ng murang tiket
Habang tinitipa namin ang kolum na ito ay nakatanggap kami ng text message kahapon mula sa hindi kilalang numero tungkol sa katatapos na “Arise” concert ni Mr. Gary Valenciano na ginanap sa SM Arena noong Sabado.
Sabi sa amin, “Nagbagsak presyo pala ang ‘GV Arise’ kahapon (Sabado), P50 sa general admission at P500 sa patron kaya pala napuno.” Kaagad naming tinanong ang publicist ng Genesis na talent management ni Gary na si Chuck Gomez.
Sagot agad ni Chuck, “Hindi po. Di puwede ‘yun kasi naka-register sa munisipyo, BIR, etcetera, ang tickets prices. Baka ‘yung mga nakabili ng lower ticket prices, e, galing sa mga scalper.”
Binalikan namin ng tanong ang nagpadala ng text sa amin base na rin sa sagot ng publicist. Heto ang sabi sa amin, “Pinul-out nila ang ticket at may mga kinuha silang scalpers to sell.
Kasi pag sila ang nag pull-out ng tickets as producers, ‘yung ticket printing lang ang babayaran nila at ang percentage ng MOA.
“And true naman na naka-register sa munisipyo ang ticket prices nila, lahat naman ganu’n, pero wala ng pakialam ang munisipyo kung paano mo ibebenta as long as magbayad ka ng tax,” sey sa amin.
Ipinasa namin kay Chuck ang sabi ng nag-text, “Kahit naman po nag-pull out sa SM MOA Arena, we will stay pay the amount ng mga pinull-out. Ask any concert producer. Ayoko na pumatol sis, hayaan mo na, hindi naman true.”
Hayan, may kani-kaniyang katwiran ang magkabilang panig. Ikaw bossing Ervin, ano naman komento mo? (Waley Teggs. Ang mahalaga nag-enjoy muli ang audience sa performance ng nag-iisang Gary V.!)
( Photo credit to gary valenciano official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.