Fort Santiago nagpa-‘cleaning’ mission sa Kärcher, Intramuros

Fort Santiago sumailalim sa ‘cleaning’ mission ng Kärcher, Intramuros

Pauline del Rosario - February 21, 2025 - 05:11 PM

Fort Santiago sumailalim sa ‘cleaning’ mission ng Kärcher, Intramuros

PHOTO: Courtesy of Intramuros Administration

ISANG epic cleaning mission ang isinagawa ng world-famous German cleaning brand na Kärcher, kasama ang Intramuros Administration (IA) sa makasaysayang Fort Santiago

Sa proyektong ito, mala-superhero ang peg ng Kärcher at IA dahil ginamit nila ang kanilang advanced cleaning technology upang linisin ang reconstructed main gate at ang wall facades ng Baluartillo de San Miguel at Medio Baluarte de San Francisco. 

Aba, hindi ito basta-bastang paglilinis, dahil bahagi ito ng ika-90th anniversary ng Kärcher kung saan target nilang isagawa ang 90 cleaning projects sa buong mundo ngayong taon.

Noong February 20, nagkaroon ng press conference para sa nasabing inisyatibo at present diyan ang ilang opisyal kabilang na ang IA administrator na si Atty. Joan Padilla, Economics Counsellor ng Embassy of the Federal Republic of Germany na si Dr. David Klebs, General Manager ng Kärcher Philippines na si Darwin Banes, Kärcher Cleaning Expert na si Gerd Heidrich, at ang Director of Marketing & Product Management ASEAN, South Korea, Taiwan & Bangladesh ng Kärcher Southeast Asia Ltd. na si Daina Bartuseviciute.

Baka Bet Mo: WATCH, NOW NA: Makasaysayan pero romantic na date spot sa Intramuros

“As we celebrate our long-standing passion for technical solutions that make a difference, Kärcher proudly recommits to preserving cultural heritage across the globe. Having the esteemed Intramuros Administration as our partner is instrumental to this initiative’s success, enabling us to honor the memory of war victims and celebrate Filipinos’ heroic sacrifices,” sey ni Darwin ng Kärcher Philippines.

Fort Santiago sumailalim sa ‘cleaning’ mission ng Kärcher, Intramuros

PHOTO: Courtesy of Intramuros Administration

At syempre, hindi lang ito tungkol sa aesthetics dahil ang Fort Santiago ay isang simbolo ng pagiging makabayan ng mga Pilipino, kaya naman seryoso ang IA sa pagpapanatili ng kanyang kasaysayan para sa mga susunod pang henerasyon.

Kung akala niyo simpleng trabaho lang ito, nagkakamali kayo! 

Ang IA ay nagpadala ng kanilang pinakamahusay na tauhan para matuto mula sa Kärcher experts kung paano gamitin ang high-tech na cleaning equipment. 

Imagine, para itong isang secret training camp para sa mga elite cleaning warriors.

Ang kanilang ultimate weapon? Ang hot water high-pressure cleaners sa steam mode! 

May pressure itong 0.5-1 bar at umaabot sa 95°C ang init.

Fort Santiago sumailalim sa ‘cleaning’ mission ng Kärcher, Intramuros

PHOTO: Courtesy of Intramuros Administration

Hindi lang basta-basta pinapaalis ang dumi, pinapatay rin ang mga pesteng biological growth na kumakapit sa bato. 

Isa itong scientific at sobrang astig na paraan para mapanatiling fresh at malinis ang isang historical landmark.

Simula pa noong 1571, itinayo ni Spanish navigator Miguel López de Legazpi ang Fort Santiago bilang isang matibay na depensa ng Maynila. 

Ngayon, isa itong pambansang bantayog na puno ng kwento ng tapang at sakripisyo. 

Bukod diyan, isa rin ito sa mga pinakapinangangalagaang yaman ng ating bansa.

Bilang guardian ng Intramuros, ang IA ang bahala sa pagbibigay ng buhay sa ating kasaysayan, mula sa conservation ng mga cultural properties hanggang sa turismo. 

Kaya naman swak na swak ang kanilang partnership sa Kärcher!

Mula sa pagiging simpleng workshop noong 1935 sa Stuttgart, Germany, lumaki na ang Kärcher bilang isa sa pinakamalupit na cleaning technology brands sa buong mundo.

Nagsimula ito kay Alfred Kärcher, isang henyo sa engineering na nag-imbento ng mga makabagong solusyon sa paglilinis. 

Nang pumanaw siya, ipinagpatuloy ng kanyang misis na si Irene ang laban at lalo pang pinalawak ang negosyo. 

Bukod sa business success, may puso rin sila para sa kalikasan at kasaysayan, kaya naman mahigit 200 na ang kanilang nagawang restorative cleaning projects sa buong mundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dito sa Pilipinas, hindi lang Fort Santiago ang napaglingkuran nila dahil kasama sa kanilang malilinis na track record ang St. Andrew’s Cathedral, San Sebastian Basilica, Plaza Miranda, San Agustin Church, People Power Monument, at Rizal Monument. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending