Gerald umalma sa chikang nabuntis daw si Kylie: Hintayin na lang natin after 9 months | Bandera

Gerald umalma sa chikang nabuntis daw si Kylie: Hintayin na lang natin after 9 months

Reggee Bonoan - September 12, 2022 - 06:09 PM

Gerald Anderson at Kylie Padilla

“SI ‘Ge (Gerald Anderson) masyado siyang confident na hindi true ang tsikang nabuntis niya si Kylie (Padilla) at naging sila.”

Ito ang sabi ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Ate Mrena na in-upload sa YouTube channel nila.

Sa isang event ay nakita nina Ogie at Mama Loi si Gerald at tsinika nito ang tungkol sa isyu nila ni Kylie.

“’Ge ano ‘yung ginawa ninyo ni Kylie (movie) New Zealand ba ‘yun (o) Switzerland?” tanong ni Ogie sa aktor.

“Kami ni Kylie? Switzerland,” kaswal na sagot nig binata.

Hindi pa alam kung kailan ito ipalalabas kaya ang sabi ng aktor, “Hintayin natin.”
Hirit ni Ogie, “Ang aga ng publicity no’n, ah?”

Mabilis na sabi ni Gerald, “Ikaw ata gumawa ng publicity no’n, eh.” At nagkatawanan ang dalawa.

Ang tinutukoy na publicity ay ang nabalitang buntis si Kylie at umano’y si Gerald ang ama lalo’t nasa malamig silang lugar habang nagsu-shoot ng pelikulang “Unravel” mula sa MAVX Productions.

Pagtatanggol ni Ogie sa sarili, “Huy, hindi ah. Mayroon kaming pinagbasehan no’n (sabay pakita ng larawan nina Gerald at Kylie sa ibang bansa). Dinukot lang namin na nagkakamabutihan kayo. Kasi nga romcom ito, ang aga nga ng promo.”

View this post on Instagram

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)


“Oo nga, eh. Sana ilabas na agad ‘yung pelikula para sumabay doon, di ba? Sige hintayin natin ang nine months from now,” hamon ng aktor kay Ogie.

Dagdag na pang-aasar, “Pero meron pang isa pa, ‘yung (ginawa ko) sa Russia. Hindi ko kasi nabuntis ‘yung ano (leading lady) kaya hindi mo alam kung anong (nangyari).”

“My God, anong page na ba pinag-uusapan natin?” natawang tanong ni Ogie.

“Pang Netflix ata ‘yun. Tapos na last year pa. Russian (leading lady),” pahayag ni Gerald sa isa pang nagawa niyang project sa labas ng bansa.

Ulit ni Ogie, “So, hindi totoo ‘yung sa inyo ni Kylie Padilla.”

“Hintayin nga natin nine months from now!” diin ni Gerald.

At binanggit ni Ogie ang pangalan ng karelasyon ng aktor na si Julia Barretto na tila nag-react din.

“Na ano? In-on the spot mo ako, hindi ako makagalaw dito (kinakabitan ng IV),” tumatawang sagot ng binata.

Kaya pala pagdating ni Gerald ng bansa ay kaagad niyang tinagpo si Julia para patunayang okay sila at hindi sila hiwalay tulad ng nabalita rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/287515/kuya-wil-sa-chismis-na-nabutis-niya-si-herlen-budol-anong-magiging-anak-namin-hipon
https://bandera.inquirer.net/306297/banta-ni-maymay-sa-nagpakalat-ng-fake-news-tungkol-sa-dyowa-wag-nang-hintayin-na-umabot-tayo-sa-husgado
https://bandera.inquirer.net/322239/kylie-naloka-sa-chikang-nabuntis-daw-siya-ni-gerald-nakakainis-its-so-out-of-this-world
https://bandera.inquirer.net/298259/payo-ni-maris-sa-aspiring-content-creator-wag-maging-nega-gawin-mo-kung-ano-ang-gusto-mo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending