Luis Manzano muling nakapiling ang pamilya matapos magpositibo sa COVID-19 | Bandera

Luis Manzano muling nakapiling ang pamilya matapos magpositibo sa COVID-19

Therese Arceo |May 16,2023
facebook
share this

Luis Manzano muling nakapiling ang pamilya matapos magpositibo sa COVID-19

Therese Arceo - May 16, 2023 - 10:56 PM

Luis Manzano muling nakapiling ang pamilya matapos magpositibo sa COVID-19

FINALLY ay muli nang nakapiling ng TV host-actor na si Luis Manzano ang kanyang mag-ina na sina Jessy Mendiola at Baby Peanut.

Pansamantala muna kasing humiwalay ang anak nina Vilma Santos at Edu Manzano sa kanyang mag-ina matapos itong magpositibo sa COVID-19.

Matapos nga ang halos dalawang linggo ay muli na niyang nakasama ang dalawa at ibinandera nga ni Luis sa kanyang Instagram page ang isang video ng kanyang pakikipag-bonding sa anak.

“I missed you Peanut and Mama,” saad niya sa kanyang caption.

Makikita naman sa video na nakikipaglaro si Luis kay Baby Peanut habang sinasabihan niya ito ng “I love you”.

Mukha namang miss na miss nga ni Baby Peanut ang kanyang dada dahil pilit nitong inaabot ang mukha ng TV host.

Baka Bet Mo: Anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Baby Peanut bininyagan na, Alex Gonzaga, Nikki Gil tumayong mga ninang

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

“You know what, Papa doesn’t like anyone touching his face. That’s Papa’s pet peeve when someone touches Papa’s face. But it’s okay that you do it,” malambing na sabi ni Luis.

Maririnig naman sa background ang pagtawa ni Jessy na tila natutuwa habang pinapanood ang kanyang mag-ina.

Makikita naman sa mga comments na talagang naaliw sila sa video nina Luis at Baby Peanut.

“Her hair is so thick na!” saad ng kanyang amang si Edu Manzano.

Comment naman ng isa, “Aaaaw, she wants to talk to Papa but she couldn’t. Antayin mo makapagsalita yan Luis, kaw ang mauubusan ng words.”

“Love you both so much,” sey ni Jessy Mendiola.

Hirit naman ng isa, “This is like one of the best baby videos! Parang when it comes to you luis everytime na naririnig nya voice mo at nakikita ka nya lage sya naka focus sayo tpos always smiling! It shows she loves you so much.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May bagong YouTubr vlog rin ang TV host kung saan siya ang naging abala sa pag-aalaga kay Baby Rosie buong araw.

Related Chika:
Luis Manzano naisipan na ring mag-retire sa showbiz: Kung alam n’yo lang kung gaano rin kadumi ang industriya…

Luis Manzano naloka nang pagbawalan ng netizen na tawaging ‘Peanut’ ang anak: Hindi ako na-inform na kayo nagluwal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending