Anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Baby Peanut bininyagan na, Alex Gonzaga, Nikki Gil tumayong mga ninang | Bandera

Anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Baby Peanut bininyagan na, Alex Gonzaga, Nikki Gil tumayong mga ninang

Ervin Santiago |April 24,2023
facebook
share this

Anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Baby Peanut bininyagan na, Alex Gonzaga, Nikki Gil tumayong mga ninang

Ervin Santiago - April 24, 2023 - 12:06 PM

Anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola bininyagan na, Alex Gonzaga, Nikki Gil tumayong ninang

Luis Manzano, Jessy Mendiola at Baby Peanut

PINABINYAGAN na ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang panganay nilang anak na si Baby Peanut o Isabella Rose Tawile Manzano.

Sa Instagram Stories ng mag-asawa makikita ang ilang litrato ng kanilang pamilya at mga bisita na kuha sa naganap na binyagan.

Base sa imbitasyon at sa ilang litrato na nakita namin sa social media na ipinost ng mga ninong at ninang at ilan pang imbitadong bisita, kahapon, April 23, naganap ang binyagan.

Baka Bet Mo: Herlene Budol nag-volunteer na maging ninang ng anak nina Luis at Jessy: ‘Tapos daddy at mommy mo magbibigay sa ‘kin ng Pamasko!’

Bukod dito, nagbahagi rin ng ilang photos at video sa kanyang social media account si Alex Gonzaga na isa sa mga tumayong ninang ni Baby Peanut.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)


Tinawag niyang kumpare at kumare sina Jessy at Luis base sa caption na inilagay niya sa kanyang IG Story.

Maging ang kaibigan nina Luis at Jessy na si Nikki Gil ay nag-post din sa IG ng litrato ng pamilya Manzano kalakip ang kandila na ginamit sa binyag na may nakasulat na “Ninang Nikki.”

Nag-share rin ng mga pictures sa kanyang Instagram page ang celebrity coach na si Kat Garcia.

Sa video na ipinost ni Alex sa IG ay nagpasalamat sina Luis at Jessy sa lahat ng dumalo at nakibahagi sa baptism ni Baby Peanut.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official post sina Jessy at Luis tungkol sa binyag ng kanilang panganay na anak ay kung sinu-sino ang iba pang tumayong ninang at ninong ng bata.

Cristy Fermin nakakatakot maging ninang sa kasal: Lahat ng inaanak ko nagkakahiwalay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jessy Mendiola ibinandera si Baby Peanut, may pa-survey: ‘Sino ang kamukha?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending