Aiko tinatadtad ng rashes sa mukha, pati mga mata nangangati; may konek nga kaya sa COVID-19?
NAGTATAKA si Konsehala Aiko Melendez ng 5th district of Quezon City dahil ang daming rashes sa mukha niya bukod pa sa pangangati ng kanyang mga mata.
Ipinost ng aktres at public servant ang larawan niya sa kanyang Facebook account kaninang hatinggabi at ang caption ay, “My eyes have been so itchy does it have something to do with Covid?
“And my face has rashes. And also my skin looked like I was exposed in the sun,” aniya pa.
Sinagot ni Sen. Robin Padilla ang FB post ng konsehala, “Mam Kapatid. Ako nagkaroon ng omicron galing Japan.
View this post on Instagram
“Nawala kaagad ang covid ko pagkaraan ng 5 araw pero hanggang ngayon hindi na nawala ang pangangati ng eyelid at madalas din na namumula pa rin ang mata ko,” paliwanag ng senador.
Sagot naman ni konsehala Aiko, “Robin Padilla, aww Sen ang hapdi ng akin now.”
Baka Bet Mo: Palabang sexy actor na si Rash Flores ‘nasigawan’ ni Joel Lamangan sa shooting ng ‘Island of Desire’
Sabi naman ng netizen na si @Nyton B Ian, “Ms Aiko Melendez Yes, it’s COVID related eye symptoms newest XBB.1.16 subvariant. You may take antihistamine like Citirizine for the face rashes and use the eye drop Ketotifen/Zaditor. Feel better.”
“I think the itchiness of your eyes is covid related Aiko.Last April sa 24Oras napanood ko na may bagong variant na isa sa symptoms ang sore eyes.Related to covid kung ang pamumula at kati ng mata ay may kasamang sakit ng ulo,” komento ni @TataRealT.
“Saw in a report last month na eye infection daw po ay possible manifestation of COVID, Ms. Aiko. Hope you recover soon!!” sabi naman ng content creator na si Kate Adajar.
View this post on Instagram
Kaagad namang nagpasalamat si Aiko sa mga natanggap na payo mula sa kanyang FB followers.
Binasa namin ang lahat ng komento at iisa ang sinasabi ng netizens, COVID related nga raw ang pangangati ng mata ni Aiko dahil sa bagong variant nito.
Samantala, nananatili pa ring naka-self-quarantine ang konsehala at aktres dahil sa COVID-19 at nalulungkot nga siya dahil hindi niya nakasama ang dalawang anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain nitong nagdaang Mother’s Day.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.