Palabang sexy actor na si Rash Flores 'nasigawan' ni Joel Lamangan sa shooting ng 'Island of Desire' | Bandera

Palabang sexy actor na si Rash Flores ‘nasigawan’ ni Joel Lamangan sa shooting ng ‘Island of Desire’

Ervin Santiago |March 23,2022
facebook
share this

Palabang sexy actor na si Rash Flores ‘nasigawan’ ni Joel Lamangan sa shooting ng ‘Island of Desire’

Ervin Santiago - March 23, 2022 - 10:35 AM

Rash Flores at Christine Bermas

Rash Flores at Christine Bermas

DIRETSAHANG inamin ng sexy actor na si Rash Flores na nasigawan at napagalitan siya ni Direk Joel Lamangan habang nasa lock-in shoot ng bago niyang pelikula.

Ngunit nilinaw naman agad ng binata na wala siyang sama ng loob sa award-winning veteran director dahil alam niyang trabaho lamang ang kanilang ginagawa — at walang personalan.

Ang tinutukoy na pelikula ni Rash ay ang upcoming Vivamax original sex-drama na “Island of Desire” na mapapanood na simula sa April 1.

Ito’y pinagbibidahan din nina Christine Bermas, Jela Cuenca, Sean de Guzman, Massimo Scofield, Sheree Bautista, AJ Oteyza at Jim Pebanco.

Sa nakaraang virtual mediacon ng pelikula, natanong si Rash kung ano ang pinaka-challenging na ipinagawa sa kanya ni Direk Joel na talagang nahirapan siya.

“Sa akin siguro, lahat naman challenging sa akin. Kasi, talagang kinakabahan ako nu’ng unang pagsalang ko dito.

“Alam naman natin, Direk Joel Lamangan, matapang ganu’n. Nasigawan po ako. Hindi naman puwedeng hindi ka masigawan kay Direk Joel. Kasi, du’n ka na rin matututo talaga.

“Kasi, gusto niya talaga, mag-grow ka as an artist. Kailangan, bago ka pumunta sa set, naka-character ka na,” pahayag ng palabang sexy actor na game na game rin sa pagpapakita ng kanyang hubo’t hubad na katawan.

Kuwento pa niya, “Marami kayong aabangan sa movie na ito. Kasi talagang kakaiba ang kuwento ng Island of Desire.

“Si Christine Bermas ang pinaka-lead dito. Naaksidente po kami, then yung kaluluwa niya, naglakbay po hanggang napunta siya sa isang isla.

“Du’n po niya nakilala yung ibang characters, dun sa imagination niya, naglalakbay po ang kaluluwa niya. Ako yung asawa ni Christine.

“Masasabi ko na sa lahat ng ginawa ko na movie, ito yung pinaka-daring na ginawa ko,” patikim pa ni Rash patungkol sa bago nilang movie.

Patuloy pa ng aktor, “Wala naman akong masyadong bed scene dito sa Island of Desire. Hindi ko alam kung tinanggal ni Direk yung bed scene ko rito.

“Twice lang ako nag-bed scene rito, e. Hindi katulad sa Palitan (pelikula ni Brillante Mendoza) na marami. Dito, dalawa lang… pero yung isang bed scene ko is sobrang daring niya,” aniya pa.

Marami raw talaga siyang natutunan kay Direk Joel habang ginagawa nila ang “Island of Desire”, “Siyempre number one, yung pakikisama. Pagiging professional sa trabaho. Kailangan, kahit napakaliit na role iyan, kailangan na huwag kang mag-inarte. Kailangan, i-push mo ‘yan.

“Tapos, kailangan makisama ka sa mga katrabaho mo. Kahit sinasabing artista ka, yun nga, yung mga mabababa, mga staff, huwag kang maging ano.

“Huwag kang maging mayabang. Huwag kang mapagmataas sa sarili. Kailangan low key ka lang. Tapos, yung akting, pagbutihin mo. Naramdaman ko naman kahit sa sarili ko na na-improve ko yung acting ko.

“Kay Direk Brillante Mendoza, wala siyang script. First time kong ginawa yun. Nung una, sabi ko, ‘Kaya ko ba ‘to? Walang script.’ Kasi, nakikita ko, may binabasang script yung mga artista.

“So, try ko. Pagdating ko du’n, tinulungan naman ako ni Direk Brillante para maitawid ko ang mga mabibigat na eksena.

“Tapos, nu’ng gumawa ako uli ng pelikula kay Direk Joel, sabi ko, mas okay pa yata yung walang script. Kasi, wala kang iniintindi, wala kang mine-memorize.

“So, panibago na naman, yun nga. Naranasan ko yung walang script, merong script. So, para sa akin is balanced, yun ang natutunan ko.

“Tapos dati, parang nahihiya pa ako, maraming tao pag umaakting ka. Ngayon, nawala na po yun. Siguro nga dahil gusto ko itong pag-arte na ito. Ang dami ko pong natutunan sa kanilang dalawa,” dire-diretsong pahayag pa ni Rash Flores.

https://bandera.inquirer.net/299950/sexy-actor-na-si-rash-flores-umaming-nagkadyowa-na-ng-beki-nag-frontal-sa-palitan

https://bandera.inquirer.net/307851/joel-lamangan-sbumilib-kina-albie-kit-at-christine-lahat-sila-professional

https://bandera.inquirer.net/294094/joel-lamangan-puro-baguhan-ang-katrabaho-pandemic-na-nga-matanda-pa-ba-ang-kukunin-ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending