Francine Diaz, Seth Fedelin muntik nang madisgrasya habang nakasakay sa banana boat | Bandera

Francine Diaz, Seth Fedelin muntik nang madisgrasya habang nakasakay sa banana boat

Alex Brosas |May 15,2023
facebook
share this

Francine Diaz, Seth Fedelin muntik nang madisgrasya habang nakasakay sa banana boat

Alex Brosas - May 15, 2023 - 03:35 PM

Francine Diaz, Seth Fedelin muntik nang madisgrasya habang nakasakay sa banana boat

Seth Fedelin at Francine Diaz

MUNTIK nang madisgrasya ang “Dirty Linen” stars na sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Sa isang video post ni Francine sa kanyang Instagram account, marami ang na-bother nang makitang muntik nang madisgrasya ang dalawa sa kanilang banana boat ride kasama ang dalawa pang binata.

“Gusto niyo bang tumawa today? Ito na ang vlog na magpapatawa sa inyo.  Spent some QT with @imsethfedelin at medyo daming naganaps. Panoorin niyo na lang sa latest episode ng #SimplyFrancine,” say ni Francine sa kanyang caption.

Pinanood namin sa YouTube account ni Francine ang naganap na insidente. Sakay sila ni Seth sa isang babana boat with two other guys at hinihila sila ng isang motorized boat. Si Seth ang kumukuha ng video nila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)


Noong una, enjoy na enjoy pa sila. Pero napalakas ang hangin kaya naman natumba sina Francine at Seth sa kinauupuan nila sa banana boat.

“Malalaglag ako dito, isa lang kamay na panghawak ko,” say ni Seth dahil ang isang kamay niya ay nakahawak sa camera.

Ang daming nag-react na fans nina Francine at Seth sa YouTube post ng una.

“The fact na si Seth yung nagvivideo hanggang matapos yung vlog yun ang mas nakakakilig. HAPPY FOURTH ANNIVERSARY FRANSETH FAMILY!!! More anniversary pa ang pagsasamahan natin maging matibay lang tayo.”

Baka Bet Mo: Wish ng fans para kina Seth at Francine: Sana kayo na ang magkatuluyan sa ending!

“Grabe the best vlog to sa lahat ng vlog nyo ni seth hanggang dulo naka ngiti ako at umaasang may part 2 sobrang nakakabitin ang saya nyong panoorin dalawa. franseth since 2019 lowkey lang ako sa twitter na laging nkaabang sa mga ayuda nyo.”

“Sarap pakinggan ni Seth na sa tuwing hahawakan nya si francine talagang nagpapaalam sya…pailang ulit ko na napinapanood to.”

“Salamat sa Laging pag papa kilig sa Amin mga Franseth FANS nyu laging naka abang sa kaganapan nyu.. Happy Fourth Anniversary kahit last year nyu lang akong naging fan.. I’m happy na Isa Ako sa nag mamahal sa inyo abot buto Ang kilig ko sa inyo dawala. we love you franseth. SethyBoy ingatan mo si Chin.”

Samantala, makakasama na ng viewers sa isang behind-the-scenes chikahan ang cast ng “Dirty Linen” dahil mapapanood na ang “Dirty Linen: All Access” sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel bilang parte ng kanilang “Made for Us” YouTube shows.

Sa mala-vlog style na mini series, makikipag-bonding sina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, Seth Fedelin, at iba pang cast members habang sumasabak sa masasayang challenges at magkukwento rin sila tungkol sa kanilang karanasan bilang parte ng “Dirty Linen.”

May bagong episode na mapapanood kada Miyerkules hanggang Hunyo 14. Napapanood na ngayon ang unang episode ng “Dirty Linen: All Access” kung saan nagbigay ng tour ang ilang cast members sa loob ng sikat na mansyon ng mga Fiero.

Ibinahagi rin nila ang ilang mga trivia sa set ng kanilang serye, ang masasaya nilang kulitan kasama ang kanilang co-stars, at nagre-enact din sila ng ilan sa mga trending na eksena.

Sa ibang episodes, dadalhin ng mga bida ang viewers sa set ng pinakahuling araw ng kanilang taping at aalamin nila sa kanilang mga kasamahan kung ano-ano ang hindi nila malilimutang karanasan sa serye.

Mas makikilala rin ng viewers ang cast sa pamamagitan ng iba’t ibang nakakaaliw na challenges tulad ng mukbang challenge, cooking challenge, “guess the ‘mata-mata’ challenge”, at ang mystery room challenge, at makaka-bonding din nila ang ilang fans sa mall show.

Seth Fedelin umamin kay Francine Diaz: ‘Ikaw ang Miss Universe ko, kasi kapag kasama kita nararamdaman ko ang lahat ng emosyon’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Francine Diaz may rebelasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Seth Fedelin; handa na sa pamba-bash ng haters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending