Mag-ina nagkasira dahil sa utang na P10k, pinag-ayos ng ‘CIA with BA’
SA pinakaunang episode ng “CIA with BA” season 2 ay nagharap ang mag-ina na nasira ang relasyon dahil umano sa utang na P10,000.
Sama-samang sinubukan ng magkapatid na Sen. Alan Peter at Sen. Pia Cayetano at TV host na si Boy Abunda na pag-ayusin ang ina — na minsang umutang ng pera para sa pangangailangan ng kanyang anak — at ang anak, na bukod sa tinakasan ang pagbabayad ng utang ay nagawa pang pagsalitaan ng masasakit at saktan nang pisikal ang ina.
Sa nasabing episode, hindi napigilan ni Sen. Pia na ibuhos ang kanyang emosyon bilang isa ring ina.
“Seven years kang may utang sa nanay mo! The least you can do is be nice to her,” pahayag ng senadora.
Baka Bet Mo: Vice Ganda, Lassy Marquez nag-kiss sa lips: Sa halagang P10,000 hahalik ako kay Lucifer?
Para kay Sen. Pia, mahalaga na maunawaan ng isang anak na obligasyon ang pagbibigay ng respeto, lalo pa’t natapat ang nasabing episode sa pagdiriwang ng Mother’s Day.
Katulad sa nagdaang season ng “CIA with BA,” patuloy pa rin namang namigay ng mga papremyo ang programa kasama ang JC Organic Barley sa “Alan, Pia, Pik” at sa pinakabagong segment na “Fake, Fact, Boom!”
Bago naman nagtapos ang programa, sumalang naman si Pia sa special edition ng “Fast Talk” question ni Tito Boy, bilang pagpupugay sa mga ina.
Tuloy-tuloy ang serbisyo publiko at paghahatid ng kasiyahan sa “CIA with BA” tuwing Linggo ng gabi, 11:30 p.m..
Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama nina Senador Alan Peter at Pia.
Ang nakatatandang Cayetano ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang Compañero y Compañera noong 1997 hanggang 2001.
Bimby sinagot na ang tanong kung beki nga ba siya
Lyca Gairanod apektado sa pananalasa ng bagyong Paeng: Sira na ang bahay namin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.