‘Cybertheft’ umano sa GCash iniimbestigahan

‘Cybertheft’ umano sa GCash iniimbestigahan, umabot nga ba sa P37-M ang nanakaw?

Pauline del Rosario - May 11, 2023 - 03:55 PM

‘Cybertheft’ umano sa GCash iniimbestigahan, umabot nga ba sa P37-M ang nanakaw?

PHOTO: Inquirer/Grig Montegrande

INIIMBESTIGAHAN na ng mga awtoridad ang mga hacker na nakapasok umano sa ilang accounts ng digital payment app na Gcash kamakailan lang.

Tinataya na aabot umano sa P37 million ang kabuuang halaga na nawala matapos ang kahina-hinalang maliliit na transaksyon na inilipat sa dalawang bank account noong Lunes ng gabi (May 8).

Magugunitang naglabas ng hinaing ang ilang GCash users sa social media dahil sa pagkabahala na nabawasan ang kanilang pera.

Hindi rin nila ma-access ang GCash app noong May 8 hanggang May 9 ng umaga.

Sinigurado naman ng isang opisyal ng Globe na walang nawalan ng pera sa nasabing app.

Napigilan, aniya, nila ang mga kahina-hinalang transkasyon matapos mapansin ang pattern ng maliliit na withdrawals sa ilang accounts.

“This was averted by GCash, which immediately put a hold order on the transfers once the pattern was detected,” sey ng opisyal.

“We wish to reiterate that our customers did not lose their funds on GCash. Rest assured, your funds are intact, safe and secure with GCash,” saad ng Globe sa isang advisory.

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose biktima rin ng hacking, nagbabala sa publiko: Please huwag paloko

Kasabay ng imbestigasyon, nilinaw ng Globe na walang “hacking” na nangyari.

“We extended our scheduled maintenance to investigate and determined that no hacking occurred,” saad sa pahayag.

As of May 9, naibalik na sa tamang halaga ang mga balance ng mga nagreklamo.

Samantala, ibinunyag ng isang mapagkakatiwalaang banking source na aabot sa P9 million na kahina-hinalang pondo ang na-transfer mula sa GCash papuntang Asia United Bank (AUB) noong May 8.

Sa nasabing halaga, P7million ang na-hold ng AUB, habang ang natitirang P2 million ay na-withdraw na bago pa man kumalat ang naging isyu sa Gcash.

Sa isang official statement, sinabi ng AUB na nasabihan sila ng e-wallet company tungkol sa nangyaring transaksyon umano ng mga hacker.

Ngunit kinukwestyon nila ang pagtatanggi ng Globe na walang hacking na naganap.

Tanong ng isang bank official, “if there wasn’t any hacking, how could the money have gone out?”

Ayon pa sa banker, posibleng magsampa ng kasong paglabag sa Anti-Money Laundering Act laban sa may-ari ng bank account na ginamit upang mag-withdraw sa nasabing transaksyon mula sa GCash.

Samantala,  nauna nang nagsabi ang National Privacy Commission (NPC) na iniimbestigahan na rin nila ang nangyari sa GCash.

“We are monitoring the situation and we will provide a statement if we receive more information,” sambit ng representative.

Lahad pa niya, “If there are personal data involved, they need to notify the NPC and the affected data subject within 72 hours upon knowledge of the breach.”

Noong Marso lamang, inilunsad ng e-wallet company ang “DoubleSafe” security feature para sa GCash app.

Bukod pa ‘yan sa OTP at MPIN na pang-iwas hack sa nasabing e-wallet app.

Read more:

Ronnie Liang 2 beses nabiktima ng Budol-Budol; libu-libong piso natangay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baby nina Angeline at Nonrev bininyagan na; Vice Ganda, Erik, Richard, K Brosas present bilang ninong at ninang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending