Baby nina Angeline at Nonrev bininyagan na; Vice Ganda, Erik, Richard, K Brosas present bilang ninong at ninang | Bandera

Baby nina Angeline at Nonrev bininyagan na; Vice Ganda, Erik, Richard, K Brosas present bilang ninong at ninang

Ervin Santiago |June 28,2022
facebook
share this

Baby nina Angeline at Nonrev bininyagan na; Vice Ganda, Erik, Richard, K Brosas present bilang ninong at ninang

Ervin Santiago - June 28, 2022 - 04:01 PM

Angeline Quinto, Nonrev Daquina, Baby Sylvio, Vice Ganda, Eric Santos at Richard Yap

BININYAGAN na ang anak ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto at ng non-showbiz niyang partner na si Nonrev Daquina.

Naganap ang binyagan ng dalawang buwang anak nina Angeline at Nonrev na si Baby Sylvio nitong nagdaang weekend na dinaluhan ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

Ilan sa mga kaibigang celebrities ni Angeline na present sa binyag ni Baby Sylvio ay sina Vice Ganda, Erik Santos, Yeng Constantino, K Brosas, JP Endrinal, Bugoy Drilon, Richard Yap at ang  mag-asawang Vicki Belo ay Hayden Kho.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Angeline ng ilang litrato na kuha sa simbahan kung saan bininyagan ang kanyang panganay na anak.
Aniya sa caption, “Thank you to everyone who made Baby Sylvio’s Christening possible!

“We appreciate all of our guests that celebrated with us, you have all been wonderful and made Baby Sylvio’s celebration extra special.

“And of course we also want to thank the people who have helped make this event very memorable for all of us,” mensahe pa ng Birit Queen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


Nito lamang Abril isinilang ni Angge ang anak nila ni Nonrev.

Nauna rito, ipinagtanggol ni Angeline sa mga haters ang tatay ng kanyang baby na nagsasabing pera lang daw niya ang habol nito.

“Hindi ako pineperahan ni Nonrev. Ako yung namemera sa kanya. Totoo ‘to. Kasi wala akong GCash, wala po akong GCash dito sa phone ko.

“So every time magkukulang yung pera ko pambayad sa Grab, sa kanya ako nakikiusap. Magugulat na lang ako, nakalista lahat. Sinasabi ko sa kanya na babayaran ko naman talaga yun kasi hinihiram ko talaga,” chika ng first-time mom.

“Nu’ng buntis ako, ang dami kong gustong kainin. Ang dami talagang moment na madaling araw, wala talaga akong cash. Yung GCash niya, ubos na. So from bangko niya, magta-transfer pa siya sa GCash niya para lang makapagbayad.

“Para lang malinaw sa inyo ha, hindi ako pineperahan nito. Ako pa yung namemera sa kanya. Bigayan naman kaming dalawa. Kapag meron naman siyang gusto at kaya ko namang bilihin, binibigay ko naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero wala namang moments na namemera. Wala naman pong ganun. Kung sakaling gawin niya sa akin yun, bahala na siya,” sabi ni Angeline.

Angeline Quinto may pa-face reveal ni Baby Sylvio, nagulat sa natuklasan sa partner na si Nonrev

Angeline ipinagtanggol ang tatay ni Baby Sylvio: Hindi niya ako pineperahan, ako yung namemera sa kanya

K Brosas umapela sa madlang pipol na nagpa-book sa Siargao: ‘Wag muna tayo magpa-refund

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending