Matteo Guidicelli tuloy na ang pagiging Kapuso, magiging co-host sa 'Unang Hirit'? | Bandera

Matteo Guidicelli tuloy na ang pagiging Kapuso, magiging co-host sa ‘Unang Hirit’?

Ervin Santiago |May 09,2023
facebook
share this

Matteo Guidicelli tuloy na ang pagiging Kapuso, magiging co-host sa ‘Unang Hirit’?

Ervin Santiago - May 09, 2023 - 07:42 AM

Matteo Guidicelli tuloy na ang pagiging Kapuso, magiging co-host na nga ba sa 'Unang Hirit'?

Matteo Guidicelli, Billy Crawford at Sarah Geronimo

Balitang pipirma na ng kontrata si Matteo Guidicelli sa GMA Public Affairs ngayong darating na Huwebes, May 11 kasama ang mga big boss ng network.

TULOY na tuloy na ang paglipat ng actor-TV host na si Matteo Guidicelli sa Kapuso Network.

Balitang pipirma na ng kontrata si Matteo sa GMA Public Affairs ngayong darating na Huwebes, May 11 kasama ang mga big boss ng network.

Ito ang ibinalita ng award-winning TV host at talent manager na si Boy Abunda sa kanyang programa na “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, May 8.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph)


Sa pamamagitan ng segment sa kanyang show na “Today’s Talk”, masaya ngang ibinalita ni Tito Boy ang good news sa mga Kapuso viewers at sa buong universe.

“Si Matteo Guidicelli ay pipirma po ng kontrata with GMA Public Affairs ngayong darating na Huwebes, May 11,” ang pagkumpirma ni Tito Boy na siguradong ikinatuwa ng kanyang mga supporters.

Chika pa ng veteran TV host, nagsimula nang mag-shoot si Matteo para sa ilang promo ng pagdating niya sa GMA.

Baka Bet Mo: Matteo solid Popster pa rin kahit asawa na si Sarah: I am very, very proud of you!

“Noong Sabado, siya ay nag-shoot ng plugs kasama ang Public Affairs official ng GMA 7,” pahayag pa ni Tito Boy.

Ibabandera ang mga karagdagang detalye sa paglipat ng mister ni Sarah Geronimo sa GMA 7 sa magaganap na contract signing nito sa darating na Huwebes at sa isasagawang presscon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)


After ng mediacon ay uupo naman siya sa hotseat para sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Nauna nang nabalita na magiging Kapuso na si Matteo noong August, 2022 kung saan magiging bahagi raw ito ng Kapuso morning show na “Unang Hirit.”

Pero hindi ito natuloy dahil siya ang napiling pumalit pansamantala kay Billy Crawford bilang co-host ng “Tropang LOL” ng TV5. Nagpunta kasi si Billy sa France dahil isa siya sa napiling contestants sa Danse avec les stars, ang French version ng “Dancing with the Stars.”

Matteo Guidicelli pinagsabihan si Alex Gonzaga: Irespeto natin ang mga asawa natin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miss Universe Philippines Rabiya Mateo binati nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending