Korina Sanchez nagpasalamat nang bonggang-bongga sa 5 kasambahay na katuwang niya sa pag-aalaga kina Pepe & Pilar | Bandera

Korina Sanchez nagpasalamat nang bonggang-bongga sa 5 kasambahay na katuwang niya sa pag-aalaga kina Pepe & Pilar

Ervin Santiago |May 08,2023
facebook
share this

Korina Sanchez nagpasalamat nang bonggang-bongga sa 5 kasambahay na katuwang niya sa pag-aalaga kina Pepe & Pilar

Ervin Santiago - May 08, 2023 - 06:54 AM

Korina Sanchez nagpasalamat nang bonggang-bongga sa 5 kasambahay na katuwang niya sa pag-aalaga kina Pepe & Pilar

Korina Sanchez, Mar Roxas, Pepe at Pilar Roxas kasama ang kanilang mga kasambahay

BINIGYAN ng pa-tribute ng TV host at award-winning broadcaster na si Korina Sanchez-Roxas ang kanyang mga kasambahay sa pamamagitan ng social media.

Talagang ibinandera ni Korina ang kanyang pagpapasalamat at pagpapahalaga sa mga ito na araw-araw niyang katuwang sa pag-aalaga sa kanyang kambal na sina Pepe at Pilar Roxas.

Nag-post ang news anchor ng litrato nila ng kanyang mga anak sa Instagram kasama ang lima nilang helpers at yaya kalakip ang kanyang appreciation message para sa mga ito.

“A shoutout of gratitude to all the help I have in caring for and bringing up my Pepe en Pilar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina)


“Wouldn’t know what to do without Jessica, Maricel, Roseann, Brenda and MarkJohn. Salamat gid. Happy Labor Day mga palangga namin sa balay. Family,” ang caption ni Korina sa kanyang IG post na may hashtag pang #Grateful.

Baka Bet Mo: Kambal na anak nina Korina at Mar sanay na sanay nang makiharap sa tao: ‘Pilar is the star, si Pepe yung thinker and charmer’

Matatandaang noong 2020 ay binigyan ng birthday treat ni Korina ang dalawang kasambahay nila ng asawang si Mar Roxas bilang “pambawi” raw sa mga ito dahil madalas niyang masermunan.

“Having good help in the house is the #BestLife. We owe it to them to celebrate their lives,” ang bahagi ng kanyang IG post.

Isang dating kasambahay naman ni Korina na si Bernardita Inocencio ang nagreklamo noon ng umano’y hindi paghuhulog ng SSS remittances at hindi pagpapasuweldo sa kanya ng broadcaster.

Pero ibinasura ito ng korte dahil sa kakulangan ng ebidensya. Ayon kay Korina hindi niya nagawang pasuwelduhin si Inocencio dahil sa binayaran naman ito ng P500 kada araw ng kanyang kaibigang si Pol Aquino makaraang magsilbi sa huli para magbalot ng mga regalo sa bahay nito sa Bel Air, Makati.

Anak nina Korina at Mar naaksidente sa swimming pool: Mukhang knockout sa kalaban, eh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Korina kinarir ang superhero-themed birthday party nina Pepe & Pilar: Puro matatanda ang nasa guest list

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending