Kambal na anak nina Korina at Mar sanay na sanay nang makiharap sa tao: 'Pilar is the star, si Pepe yung thinker and charmer' | Bandera

Kambal na anak nina Korina at Mar sanay na sanay nang makiharap sa tao: ‘Pilar is the star, si Pepe yung thinker and charmer’

Ervin Santiago |January 26,2023
facebook
share this

Kambal na anak nina Korina at Mar sanay na sanay nang makiharap sa tao: ‘Pilar is the star, si Pepe yung thinker and charmer’

Ervin Santiago - January 26, 2023 - 07:08 AM

Kambal na anak nina Korina at Mar sanay na sanay nang makiharap sa tao: 'Pilar is the star, si Pepe yung thinker and charmer'

Korina Sanchez, Pepe at Pilar Roxas

ALAM ni Korina Sanchez na hinding-hindi niya makokontrol ang pagsikat o pagiging social media personality ng kambal na anak nila ni Mar Roxas.

Kahit daw anong gawin nilang pag-iwas at pagtatago kina Pepe at Pilar para mailayo sa limelight ay siguradong mabibigo lamang sila dahil nga sa kapangyarihang taglay ng internet at socmed.

“I think, progressively thinking, you let your children grow the way they should be,” ang simulang pahayag ng veteran broadcast journalist sa panayam ng ABS-CBN tungkol sa kambal na anak.

“Mar tends to mold them like, ‘You’re going to be an engineer.’ I’m more like, ‘Sing! Sing! You want to sing? Sing!’ Parang ganu’n. Maganda naman ‘yung kombinasyon namin kasi mayroong balanse,” chika pa ni Ate Koring.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina)


Sey ng news anchor, talagang may pangamba pa ang kanyang butihing asawa na i-expose sina Pepe at Pilar sa social media lalo pa’t mga menor de edad pa nga ang mga ito.

“Noong una, medyo hindi pa siya okay diyan. Sabi ko, ‘Bakit? Anong masama?’

“But you know, I have to be ready so that when they grow up, whatever images I put out, they are not going to take it against me.

“Halimbawa, ‘Mama, bakit mo naman ako pinakita na walang salawal?’ Siyempre, wala akong mga ganu’n. I’m very careful kasi baka kung anong sabihin nila sa akin pagtanda nila, di ba?” paliwanag ni Korina.

Samantala, kahit twins, magkaibang-magkaiba pa rin ang ugali ng kanilang dalawang anak – si Pilar daw ang “star” habang “thinker” naman si Pepe.

“Pepe is a thinker. He’s a charmer. Pepe is the sweetheart who is the thinker at maaabutan mo ‘yan, three years pa lang ‘yan, na mag-isa nag-iisip. Sabi ko, ‘Ano kaya ang iniisip ng three-year old na ito?'” sey ni Korina.

Dugtong pa niya, “Pilar is a star, performer. Kahit saan sila magpunta, hindi naman ako ang nilalapitan ng tao eh, sila ang nilalapitan.”

Hindi rin daw mahiyain ang kambal kahit nasa harap ng maraming tao, “Marunong na silang kumaway. Tsaka kapag mayroong malaking gathering sa bahay, alam ko na kung saan ko sila ipoposisyon — sa entrance.

“They are very open to posing for pictures with people. Lumalaki sila na nasasanay sila. Sociable sila,” aniya pa.

February, 2019 nang dumating kina Mar at Korina ang kambal.

Herbert walang sinirang pangako kay Kris, kuwentuhan lang daw ang tungkol sa kasal

Korina kinarir ang superhero-themed birthday party nina Pepe & Pilar: Puro matatanda ang nasa guest list

Kris Lawrence ipinagtanggol ang ‘pambabastos’ ni Alex sa waiter: I thought it was a normal thing?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anak nina Korina at Mar naaksidente sa swimming pool: Mukhang knockout sa kalaban, eh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending