Herbert walang sinirang pangako kay Kris, kuwentuhan lang daw ang tungkol sa kasal | Bandera

Herbert walang sinirang pangako kay Kris, kuwentuhan lang daw ang tungkol sa kasal

Therese Arceo |April 07,2022
facebook
share this

Herbert walang sinirang pangako kay Kris, kuwentuhan lang daw ang tungkol sa kasal

Therese Arceo - April 07, 2022 - 02:09 PM

Herbert walang sinirang pangako kay Kris, kuwentuhan lang daw ang tungkol sa kasal

NILINAW ni senatorial candidate Herbert “Bistek” Bautista sa isang virtual interview kay Thinking Pinoy ang ilan sa mga isyung binabato sa kanya.

Naitanong sa actor-politician kung totoo nga bang marunong siyang tumupad ng pangako o hindi.

Sagot ni Herbert, hindi raw siya nangangako bagkus ginagawa lang daw niya ang mga bagay na nais niya kaysa magbitiw ng mga pangako.

“Una, hindi ako nangangako,” saad ng actor-politician.

“Ginagawa ko na lang, di ba? Kasi old school na ‘yung nangangako ka na dapat… Now is not the time for promises. Now is the time for you to listen, to touch base… ang pangako, old school yun pare,” pagpapatuloy ni Herbert.

Sa panahon raw ngayon ay iba na ang approach at hindi ka na pwedeng basta-basta mangako dahil sa teknolohiya.

“Tsaka kung pangako naman na personal yan, hindi rin ako nangangako ng personal e, sa totoo lang,” dagdag pa ni Herbert.

Sundot naman ni Thinking Pinoy, iba raw ang kanyang narinig sa bandang Central Luzon.

Sagot naman ni Bistek, “Well, merong law kasi na… ‘yung law na ‘to, sa family code yata ito. Kapag naipamigay mo na ‘yong invitation sa kasal tapos hindi mo itinuloy, that’s the breach of promise to marry.

“Pero kung nagkwentuhan lang kayo tapos hindi natuloy, kwentuhan lang ‘yun,” sabi pa ni Herbert.

Tila nagulat naman si Thinking Pinoy sa mga sinabi ng dating mayor ng Quezon City dahil napanganga pa ito.

Hindi man diretsahang sinabi ngunit mukhang may kinalaman ito sa pahayag ng Queen of All Media na si Kris Aquino noong bigla itong dumalo sa naganap na campaign sortie ng tambalang Leni-Kiko sa Tarlac nitong Marso.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

 

Matatandaang nagbabala ang TV host-actress na huwag iboto ang kanyang “ex” dahil hindi ito marunong tumupad sa kanyang mga pangako.

Hindi naman binanggit ni Kris kung sino ang “ex” na kanyang tinutukoy pati na rin ang pangakong napako pero marami pa rin sa mga netizens ang naghinuha na si Bistek ito at ang tinutukoy ni Kris na “pangako” ay ang kasal.

Kung pagbabasehan ang mga pahayag ng actor-politician ay mukhang tama ang netizens dahil nasabi nito ang “usapang kasal” pero hindi pa rin natin sigurado kung si Herbert nga ba ang tinutukoy at ang hindi pagtupad sa pangakong kasal ang rason dahil wala namang inilalabas na statement si Kris ukol rito.

Samantala, sa ngayon ay nananatili pa rin sa bansa si Tetay at mukhang hindi pa tapos ang pag-aasikaso para sa mga kakailanganin nito papuntang ibang bansa para magpagamot.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ano nga ba ang ipinangako ni Herbert Bautista kay Kris Aquino?

Paalala ni Herbert kay Kris pagkatapos ilaglag sa rally ni VP Leni: Pagaling ka, kumain ka ng marami

#Ouch! Kris nilaglag si Herbert; napa-aray sa sinabi ni Angel tungkol sa pakikipagrelasyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending