Ano nga ba ang ipinangako ni Herbert Bautista kay Kris Aquino? | Bandera

Ano nga ba ang ipinangako ni Herbert Bautista kay Kris Aquino?

Reggee Bonoan |March 26,2022
facebook
share this

Ano nga ba ang ipinangako ni Herbert Bautista kay Kris Aquino?

Reggee Bonoan - March 26, 2022 - 05:13 PM

Ano nga ba ang ipinangako ni Herbert Bautista kay Kris Aquino?

SI senatorial candidate Herbert Bautista ang main topic nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs sa kanilang “Showbiz Update” vlog na in-upload kaninang madaling araw.

Ikinuwento muna ni Ogie ang kaganapan sa nakaraang campaign rally ni VP Leni Robredo kasama si Senator Kiko Pangilinan sa Tarlac City kamakailan kung saan sinorpresa ni Kris Aquino ang kumakandidatong presidente ng Pilipinas sa darating na May 9 elections.

Bumilib din ang talent manager/vlogger at kumpare ni Kris na sobrang risk ang ginawa nito sa pagdalo sa rally dahil na expose siya sa napakaraming tao bagay na hindi dapat dahil sa health condition niya.

“Siguro ganu’n makipag kaibigan si Kris Aquino lalo na sa taong naniniwala siya ng buong puso,” saad ni Ogie.

Walang binanggit na pangalan si Kris na huwag daw iboto sa darating na hahalan pero ang topic ng usapan nila ni Angel Locsin ay tungkol sa “ex” na nasa UniTeam kung saan doon kabilang si Bistek na dati niyang nakarelasyon.

Si Herbert lang naman ang naging “ex” ni Kris na kumakandidatong senador sa Mayo 9.

At sabay pakita ng video ni Kris sa vlog na nagsabing, “sayang ang boto dahil hindi marunong tumupad sa mga ipinangako dedma, please.”

Kaya ang tanong ni Ogie, “Ano ang masasabi ni Herbert Bautista dito?”

Na sinundan ni Mama Loi ng, “Na sinabi ni Kris (Aquino) na huwag siyang iboto kasi hindi tumutupad sa pangako?”

Sabi ulit ni Ogie, “since wala pang pahayag si Herbert ay kino-conlude naman ng iba ‘yung IG post ni Ruffa Gutierrez.”

Binasa naman ni mama Loi ang post nga ni Ruffa na sana maging mabait sa ex bagay na para kay Kris daw ang cryptic message na ito ng TV host/actress sabi mismo ni Ogie.

“Ipinagtatanggol ni Ruffa ang kanyang current (boyfriend) na sila na ni Herbert. At ang nakakatuwa kay Ruffa ay pinadalhan ako ng chocolate cake.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

 

“Pareho naman nating kaibigan sina Ruffa at Kris Aquino. At si Herbert at Kris ay ninong at ninang ng aking panganay na anak na si Erin. Kaya hindi para pagsabungin natin sila, ibinabalita lang namin sa inyo,” kuwento ni Ogie.

Singit ni tita Jegs, “Ano ba ‘yung hindi tinupad na pangako ni Herbert kay Kris?”

“Yun ang dapat nating malaman kay Kris. Kasi doon din curious ang mga tao!

“Kaya mareng Kris, ano nga ba ang pangako ni Herbert sa ‘yo na hindi niya tinupad? Na parang sinasabing hindi marunong tumupad sa pangako o sa usapan kaya dapat hindi iboto,” panawagan ni Ogie sa Queen of Social Media.

Dagdag pa, “kaya ang ibig sabihin nito kapag kayo ay pinangakuan na hindi tinupad, huwag na kayong maniwala parang ganu’n. pero siyempre hindi naman natin alam kung ano itong pangako ni Herbert kay Kris.”

Hirit uit ni tita Hegs, “baka pinangakuan ni Herbert si Kris ng kasal?”

“Yan ang dapat nating malaman muka kay Kris. Kasi masyado naman tayong adelantado kung pangungunahan natin si Kris.

“Pero kung kasal man ‘yan feeling ko hindi dapat nangangako ng kasal si Herbert. Kasi sa mga nakaraang relasyon ni Herbert nakilala ko ‘yung mga girls na meron siyang tigalawang anak doon hindi rin naman niya iyon pinakasalan.

“Kung baga nagkaroon lang sila ng link dahil meron silang mga anak. Siyempre kung papakasalan ni Herbert si Kris parang insult ‘yun sa dalawang mga nanay ng mga anak niya na hindi rin niya pinakasalan pero magaganda ‘yung mga relasyon niya roon. Kaya feeling ko hindi kasal ‘yan,” paliwanag ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa huli ay sinabi ni Ogie na aabangan nila ang susunod na post ni Kris dahil hindi naman daw ito makakatiis na hindi mag-post kung anuman ang sagot sa tanong ng publiko kung ano ‘yung pangakong hindi tinupad ni Bistek.

 

Related Chika:
Ruffa sa height ni Herbert: Half of Filipino men are shorter than me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending