Ruffa sa height ni Herbert: Half of Filipino men are shorter than me Bandera

Ruffa sa height ni Herbert: Half of Filipino men are shorter than me

Therese Arceo |December 03,2021
share this

Ruffa sa height ni Herbert: Half of Filipino men are shorter than me

Therese Arceo - December 03, 2021 - 06:11 PM

Ruffa sa height ni Herbert: Half of Filipino men are shorter than me

MUKHANG may something talaga sa pagitan ng aktres na si Ruffa Gutierrez at senatorial aspirant na si Herbert Bautista.

Wala mang direktang pag-amin na nanggagaling mula sa dalawa ngunit patuloy ang pagpapalitan ng mga matatalinghalagang statement ng dalawa ukol sa isyu bagay na mas nakakapukaw ng interes ng madlang pipol kung ano nga ba ang real score sa pagitan nila.

Nito Disyembre 2 ay may tweet ang aktres patungkol sa sinabi ng kanyang ina na si Annabelle Rama sa kanyang rumored boyfriend na si Herbert Bautista.

Ayon kasi sa ina ni Ruffa, mabait naman daw si Herbert. Guwapo rin ito at matalino ang kaso lang ay maliit ito pero okay lang naman daw ‘yun.

Reaksyon ni Ruffa, “Maliit?? Well, I’m 5’10 so more than half of Filipino men are shorter than me.Besides, height doesn’t matter,” saad ni Ruffa.

“Or does it?” pabirong hirit pa ng aktres.

May isa namang netizen na nag-comment at sinabi ang linya mula sa isang kanta, “Love is all that matters.”

Nagreply naman si Ruffa rito at itinuloy ang lyrics.

“Love is all that matters

Faithful and forever

Keepin’ us together

Love is all we need..”

Dagdag pa niya, “I remember this song from @itsShowtimeNa.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

Matatandaang sa isang mediacon noong Martes, Nov. 30 ay nagsalita si Herbert Bautista hinggil sa kumakalat na isyu nang usisain siya kung si Ruffa ba ang tinutukoy na “beautiful girlfriend” niya.

“Ganito na lang alamin muna ninyo kay tita Annabelle kung ano ang gusto niya para kay Ruffa.

“Kayo na lang magtanong, after this (mediacon) puntahan n’yo si tita Annabelle para malaman ko kung ano gusto niya para kay Ruffa, ‘Yun na lang,” kaswal na sabi ni Bistek.

Kaya naman ang mismong publicist ng mga Gutierrez na si Jun Lalin na ang direktang nagtanong kay Annabelle kung ano nga ba ang estado ng dalawa.

“Magandang influence si Herbert kay Ruffa. Si Herbert ang nagsabi kay Ruffa na dapat tapusin niya ang college, kaya nag-enroll si Ruffa. Nag-aaral siya online at next year, matatapos na.

“Saka ang sipag ni Ruffa sa pag-aaral. Pati sa paggawa ng mga homeworks. Tinutulungan siya ni Herbert pati sa pagre-review,” kuwento ni Annabelle.

Sinabi rin nito na sa tuwing bibisita si Herbert sa anak ay may mga dala itong libro at talagang tinutulungan niya sa pag-aaral ang aktres kaya naman suportado nila ito sa pagtakbo bilang senador.

Pero kahit nagsalita na si Annabelle ay wala pa ring kumpirmasyon kung mag-dyowa na nga ba ang dalawa.

Well, mukha namang may something sa dalawa pero kung ano man ang dahilan kung bakit hindi nila ito kinukumpirma ay tanging sila lamang ang nakakaalam.

Hintayin na lang natin kung magkakaroon nga ba ng dyowa reveal bago magtapos ang 2021.

Related Chika:
Annabelle Rama: Magandang influence si Herbert kay Ruffa
Si Tita Annabelle ang tanungin n’yo kung sino ang gusto niya para kay Ruffa – Herbert
Si Ruffa nga ba ang tinutukoy ni Kris na bagong dyowa ni Herbert?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending