Annabelle imbyerna sa ‘fake news’ peddler, balak nga bang kasuhan?
MAY bagong update sa nauna naming naisulat kaugnay sa kumakalat na “fake news” tungkol sa naging opinyon umano ni Annabelle Rama sa pagitan nina Janine Gutierrez, Paulo Avelino at Jericho Rosales.
Magugunitang ibinandera ni Ruffa ang screenshot ng isang headline na makikita ang split photo nina Annabelle at Paulo, kalakip ang title na: “Noon pa man hindi na kita gusto para kay Janine, babaero ka.”
May caption pa nga ito na ang nakalagay ay, “Si Annabelle Rama ay nagpahayag ng suporta kay Jericho Rosales para kay Janine Gutierrez, at sinabing mas bagay sila kumpara kay Paulo Avelino dahil mas mature at seryoso si Jericho.”
Bumwelta naman agad si Ruffa upang sabihin sa publiko na hindi totoong may binitiwang ganyang salita ang kanyang ina.
Burado na ang nasabing fake post, pero ayon sa exclusive interview ng Abante kay Annabelle noong October 13, posible silang mag-file ng reklamo sa National Bureau of Investigations (NBI) laban diyan sa nagpapakalat ng maling impormasyon.
Baka Bet Mo: Rey Valera sa sementeryo naisulat ang 2 hit song; ‘Kung Tayo’y Magkakalayo’ maraming winasak na relasyon
Bukod diyan, nais ni Annabelle na magkaroon ng public apology ang fake news peddler.
“Ganun na lang ba ‘yon? Porke nag-delete ng kanyang [post] ‘yung naninira sa akin, tapos na ang isyu?” sey ng Gutierrez matriarch.
Patuloy niya, “May screenshots kami ‘nung post, pati ‘yung mga comment doon na pinalalabas akong masama.”
“Kung mag-public apology siya, baka mapatawad ko pa siya,” aniya pa.
Kaya mga ka-BANDERA, isa itong leksyon na dapat laging maalala pagdating sa mga posts sa social media.
Gaya ng mensahe ni Ruffa recently, “Before posting, make sure you get your facts STRAIGHT. Netizens, before you comment, mag-research muna kayo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.