Si Tita Annabelle ang tanungin n'yo kung sino ang gusto niya para kay Ruffa - Herbert Bandera

Si Tita Annabelle ang tanungin n’yo kung sino ang gusto niya para kay Ruffa – Herbert

Reggee Bonoan |December 01,2021
share this

Si Tita Annabelle ang tanungin n’yo kung sino ang gusto niya para kay Ruffa – Herbert

Reggee Bonoan December 01, 2021 - 08:21 AM

Herbert Bautista at Ruffa Gutierrez

SI Annabelle Rama na ina Ruffa Gutierrez ang itinuro ni senatorial aspirant Herbert “Bistek” Bautista para sumagot kung ano ang type nito para maging karelasyon ng anak.

Sa ginanap na vloggers’ mediacon ni Mayor Herbert nitong Martes ay natanong ng Byxbuzz kung ano ang real score sa kanila ni Ruffa.

Matatandaang ibinuking ni Kris Aquino na may magandang girlfriend si Bistek ngayon at sa halip na gawan siya ng mga isyu ay ang sariling lovelife na lang nito ang kanyang ikuwento sa publiko.

Nag-tweet kasi si HB tungkol kay presidential aspirant Panfilo Lacson na na-inspire siya sa staff nito na palaging kasama ng senador noong huling eleksyon. Nag-propose kasi ito sa kanyang girlfriend na ginawa mismo sa entablado kung saan nakatayo ang noo’y kumakandidatong senador.

Tweet ni HB noong Nob. 19, “Mr. President Ping, na-inspire din tuloy akong mag-propose. Kaso, sayang… may napili na sya (emojis 3 broken hearts) #TOTGA (The One That Got Away). #KungMaibabalikKoLang.”

Walang binanggit na pangalan si Bistek pero iisa ang hula ng lahat ay si Kris ito dahil open secret naman ang on and off na relasyon nila noon.


Tinanggal naman kaagad ni Bistek ang tweet niya pero nabasa na ito ng husband to be ni Kris na si dating Interior Sec. Mel Senen Sarmiento at sinabihan ang aktor-politiko ng, “Although Mayor Herbert Bautista has already taken down his post which obviously referred to Kris, I just wish that this would serve as a reminder that talking about past flames in public is improper and ungentlemanlike.

“As a former public servant now seeking a seat in the Senate, he should know better than dragging other people to get public attention.

“Hindi po showbiz ang Senado. People would appreciate it more if he would talk about his credentials to woo people’s vote.”

Kaagad namang humingi ng apology si HB kay Kris at inako ang pagkakamali.

“I’ve already taken down a post on Twitter of which my loose remark unjustifiably hurt feelings. It was certainly inappropriate and a mistake. My profuse apologies to Kris.”

“I’m so sorry,” sabi pa ni Herbert.

“I failed to see it coming until it was too late. Alam kong maaalagaan ka nya. And I can see that you’re happier now. Aminado ako, I know I have not been good enough.

“Still regretting the chance I didn’t take. You deserve better,” sabi pa ng aktor.

Pagkatapos sabihin ni Kris na may magandang girlfriend si HB ay nag-tweet naman si Ruffa at kinagalitan ang admin ng Twitter account nito na ayusin ang mga ipino-post dahil kung hindi ay maaari siyang matanggal sa trabaho.

Dahil dito kaya na-curious ang netizens kung si Ruffa nga ang tinukoy na girlfriend ni Herbert.

Tinanong si Ruffa ng netizens pero walang diretsong sagot mula sa kanya at si HB raw ang dapat tanungin.

Matagal bago nasagot ni HB ang tanong, “Ganito na lang alamin muna ninyo kay tita Annabelle kung ano ang gusto niya para kay Ruffa.  Kayo na lang magtanog, after this (mediacon) puntahan n’yo si tita Annabelle para malaman ko kung ano gusto niya para kay Ruffa, ‘Yun na lang.”

Sundot na tanong sa kanya kung ano ang estado nila ngayon ng nag-iisang anak nina Annabelle at Eddie Gutierrez, “Wala na! ‘Yun na ‘yung sagot ko, wala ng tanong.”

Kaagad nang tumayo si Herbert sa kinauupuan niya at sabay alis.

Herbert Baustista may patama kay Kris; Mel Sarmiento ‘di napigilang magsalita

Annabelle galit na galit kay Vice Ganda: Huwag si Manny

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending