Si Ruffa nga ba ang tinutukoy ni Kris na bagong dyowa ni Herbert? | Bandera

Si Ruffa nga ba ang tinutukoy ni Kris na bagong dyowa ni Herbert?

Reggee Bonoan |November 21,2021
facebook
share this

Si Ruffa nga ba ang tinutukoy ni Kris na bagong dyowa ni Herbert?

Reggee Bonoan - November 21, 2021 - 03:56 PM

SI Ruffa Gutierrez ba ang tinutukoy ni Kris Aquino na umano'y karelasyon ngayon ni dating Quezon City mayor Herbert Bautista?

Herbert Bautista, Ruffa Guiterrez

SI Ruffa Gutierrez ba ang tinutukoy ni Kris Aquino na umano’y karelasyon ngayon ni dating Quezon City mayor Herbert Bautista?

Pinagsabihan kasi ni Kris si HB na tantanan na siya at huwag nang ibalik kung anuman ang nakaraan nila dahil masaya na siya ngayon sa kanyang future husband.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

At saka ibinuking ni Kris na mas dapat pagtuunan ngayon ng atensyon ni Bistek ang bago niyang karelasyon.

Aniya, “It’s common knowledge that you’re now in a new relationship with a beautiful girlfriend… so if you need to talk about your love life, please talk about your present, not your past.”

Naging palaisipan naman sa followers ni Kris kung sino ang bagong karelasyon ngayon ni Mayor Herbert hanggang sa mabasa ng marami ang tweet ni Ruffa kahapon sa kanyang Twitter account.

“Dearest Admin of  @Bistek858,  Pwede ba, ayusin mo mga tweets mo. Make them RELEVANT & CURRENT. Hindi ka nakakatulong, nakakasira ka pa. Huwag mo nang buhayin yung mga matagal ng patay at nananahimik na issue. OR ELSE …you’re FIRED!!!

“Such an amateur,” ang pahayag ng aktres.

Nagulat ang netizens na nakabasa ng tweet na ito ng aktres dahil bakit siya nag-react kaya iisa ang tanong ng lahat, “Siya ba ang new beautiful GF na tinutukoy ni Kris?”

Katwiran ni @Lhan, “Eh baka utos din naman kasi ni bistek kung anong itutweet?”

Pero may mga hindi naman naniniwala, “Admin? Is she blaming an Admin for Herbert’s d*uchebag move? Pasimpleng defense kay Herbert. Makikisawsaw ka na rin lang kumampi ka pa dun sa lalaking bastos. Don’t us Ruffa!”

“Wait anong meron??? Anyway, kung anuman yun, tama si Ruffa. Nagiingay lang tong si Herbert. Ang cheap nya. Wag iboto!!!

“Halata naman kc na may admin c herbert I dont think ganun magcompose ng sentence c herbert.”

“Hala si admin. Fired ni beautiful girlfriend. Ayusin kasi ang trabaho o dapat yata si BF ang pagsabihan na magfocus sa current.”

Sa umpukan ng ilang reporters sa isang showbiz event ay hot topic ang Herbert-Kris issue. Anila, imposible raw na hindi alam ng una ang lahat ng ilalagay ng admin niya social media accounts niya dahil lahat ay may approval ito.

Ang paniniwala rin ng netizen, “Sus! Hi di admin yung nagtweet. Nagsorry nga ‘yung mismong tao kasi insensitive at user.”

Naaliw din kami sa komento ng iba pang netizens dahi, “Hala, di papasa kay anabelle yan!!

“Ha? No way haha di papasa yan kay Anabelle.”

Sabi pa ng netizen, “Reading between the line, Ruffa G, wants the world to know that she’s the present girl of HB a.k.a. Bistek.”

Sabi pa nito, “Walang binanggit si kris pero pumiyok agad ang GF hahaha.”

Oo nga naman, may kasabihan nga na “let the guilty talk.”

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig nina Ruffa at ex mayor Herbert.

Related Chikas:

Kris pumalag kay Herbert: Sana wag mo na lang baguhin ang kwento

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris may tinapos na relasyon; humiling ng ‘tatay’ para sa 2 anak’

Ruffa nais maging first lady; naloka sa mga nangangaliwa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending