Paalala ni Herbert kay Kris pagkatapos ilaglag sa rally ni VP Leni: Pagaling ka, kumain ka ng marami
MAY sagot na ang senatorial candidate na si Herbert Bautista kay Kris Aquino sa sinabi nitong huwag iboto ang kanyang ex boyfriend dahil hindi ito marunong tumupad sa usapan.
Nangyari ang pahayag na ito ni Kris noong nakaraang Marso 23 sa campaign rally sa Tarlac nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan na kumakandidatong presidente at bise presidente sa darating na Mayo 9 eleksyon.
Sa campaign rally ng UniTeam sa Paniqui, Tarlac nitong Sabado, Abril 2 ay sinabi ni Bistek kay Kris na kumain ng marami at magpagaling.
Aniya, “Pero seriously mga kaibigan, heto na lang ang aking message sa kanya, nanginginig ang tuhod ko. Ha-hahaha!”
“Malaki ang respeto ko sa pamilya mo, at saka sa iyo (tilian ang mga tao) at ang aking pagmamahal sa iyo bilang kaibigan ay hindi na mawawala. So, pagaling ka, kain ka nang marami,” ang mensahe ni Herbert kay Kris.
View this post on Instagram
* * *
Natatawa at naiiling ang aming kausap tungkol sa sinasabing bagong apple of the eye ng kilalang aktor dahil hindi naman daw totoo ito.
“Grabe ang netizens, may ipinost ka lang sa social media, iba-iba na ang kuwento, hindi ba puwedeng nagpa-picture lang kasi bilib ka sa taong ‘yun? Sasabihin dyowa na?” ang katwiran ng common friend namin ng kilalang aktor.
Ang siste kasi ay nasa bakasyon ang kilalang aktor kasama ang ibang friends kaya enjoy to the max siya kasi nga wala naman siyang time mag-relax kung hindi kasama ang mga kaibigan.
Nagkataon lang daw na ang babaeng sinasabing apple of the eye ng aktor kaibigan din ng kanyang mga friends kaya pictorial sila to the max.
“Pero okay na rin at least may napag-uusapan tungkol sa kanya. Ha-hahaha! Pero waley, hindi troot,” natatawang sabi pa ng common friend namin ng aktor.
Sabi pa ng aming kausap, hindi pa handang magkadyowa ang kilalang aktor dahil busy siya sa career niya at aminadong enjoy siya sa pagiging single.
https://bandera.inquirer.net/309133/ano-nga-ba-ang-ipinangako-ni-herbert-bautista-kay-kris-aquino
https://bandera.inquirer.net/298432/wish-ni-lolit-solis-kay-kris-sana-nga-si-mel-sarmiento-na-ang-forever-niya
https://bandera.inquirer.net/299467/ruffa-sa-height-ni-herbert-half-of-filipino-men-are-shorter-than-me
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.