Badjao Girl Rita Gaviola nakapagtapos na ng senior high, nag-thank you sa dyowa't anak: 'Kayo yung dahilan kung bakit ko ginagalingan sa lahat ng bagay' | Bandera

Badjao Girl Rita Gaviola nakapagtapos na ng senior high, nag-thank you sa dyowa’t anak: ‘Kayo yung dahilan kung bakit ko ginagalingan sa lahat ng bagay’

Ervin Santiago - May 07, 2023 - 07:35 AM

Badjao Girl Rita Gaviola nakapagtapos na ng senior high, nag-thank you sa dyowa't anak: 'Kayo yung dahilan kung bakit ko ginagalingan sa lahat ng bagay'

Rita Gaviola kasama ang partner at anak

BUMAHA ng pagbati mula sa mga netizens ang former “Pinoy Big Brother” housemate na si Rita Gaviola matapos ibandera ang pag-graduate niya sa senior high school.

Super happy na ibinalita ni Rita o mas kilala sa tawag na Badjao Girl sa madlang pipol na nakapagtapos na siya ng high school makalipas ang ilang taong pagsisikap at pagsusunog ng kilay.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ibinandera ni Rita ang kanyang graduation photo nitong magdaang Martes, May 2.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)


Kasama niya sa litrato ang kanyang non-showbiz  partner at ang kanilang baby na si Kianna.

“Kayo yung dahilan kung bakit ko ginagalingan sa lahat ng bagay,” ang maikling caption ng celebrity mom sa kanyang FB post.

Sandamakmak na netizens ang nag-congratulate kay Rita at nagsabing idol nila ang dating “PBB” housemate dahil sa kabila ng pagiging young mother ay talagang nagsikap siyang makapagtapos ng senior high school.

Matatandaang in-announce ni Rita na isa na siyang nanay noong August, 2022. Kasabay nito, nakiusap siya sa mga bashers at haters na huwag pagsalitaan ng masasakit at masasamang salita ang kanyang anak.

Baka Bet Mo: Badjao Girl Rita Gaviola walang breast cancer: Hindi na ako magwo-worry, matututukan ko na ang baby ko

Sa interview sa kanya ni Karen Davila, sinabi niyang, “Blessing talaga si baby sa amin kasi simula nung dumating siya, ang daming nabago sa akin lalo na sa daddy niya.

“Kumbaga dati, kasi medyo may pagka-isip bata pa ako. So parang nag-mature talaga ako nung dumating siya sa buhay ko. Siya na lang talaga iniisip ko, hindi sarili ko,” sabi pa ni Rita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)


At kahit na bina-bash dahil sa pagiging ina sa edad na 19, “Para sa akin kasi kahit sino mang mababae gustong magkaanak.

“Kasi ‘di ba maraming mga babae na nangangarap na gusto magkaanak pero hindi nabibigyan. So kami po na binigyan kami ni Lord, bakit namin ipapalampasin ‘to?

“Sa mga na-disappoint or madami pang sasabihin sa akin, buhay ko ‘yung tinatahak ko, tsaka madami pa akong kayang gawin and maraming salamat po sa mga sumusuporta kasama na namin si Baby Kia sa susunod na mga vlog namin,” aniya pa.

Unang sumikat si Rita noong 2016 nang mag-viral sa social media ang litrato niya na kuha sa Pahiyas Festival kung saan binasagan siyang Badjao Girl. Siya ay 13 years old pa lamang noon.

Makalipas ang ilang taon, naging teen housemate sa Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother: Lucky Season 7” at sumali rin siya sa “It’s Showtime” segment na “Sexy Babe.”

Badjao Girl Rita Gaviola napaluha sa ‘Bawal Judgmental’ dahil sa bashers; tinawag na ‘bobo’, ‘malandi’, ‘sayang’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Badjao Girl planong sumali sa Miss Universe, payo ng netizens: Mag-train ka na, galingan mo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending