Badjao Girl Rita Gaviola never naisip ipalaglag ang anak: Nag-mature talaga ako nu'ng dumating siya sa buhay ko | Bandera

Badjao Girl Rita Gaviola never naisip ipalaglag ang anak: Nag-mature talaga ako nu’ng dumating siya sa buhay ko

Ervin Santiago - August 28, 2022 - 07:53 AM

Rita Gaviola at Baby Kianna

“HINDI po talaga namin naisip na ipalaglag si Kianna, nasa isip ko rin po kasi na blessing talaga siya from God.”

Yan ang naging pahayag ng partner ng tinaguriang “Badjao Girl” na si Rita Gaviola nang malaman nilang magiging nanay at tatay na sila.

Sa interview ng news anchor na si Karen Davila kay Rita na mapapanood sa kanyang vlog, naikuwento ng batang ina kung paano nabago ang kanyang buhay mula nang isilang ang kanyang anak.

“Blessing talaga si baby sa amin kasi simula nu’ng dumating siya, ang daming nabago sa akin lalo na sa daddy niya.

“Kumbaga dati, kasi medyo may pagka-isip bata pa ako. So parang nag-mature talaga ako nu’ng dumating siya sa buhay ko. Siya na lang talaga iniisip ko, hindi sarili ko,” pahayag ng dating “Pinoy Big Brother” housemate.

Sabi pa ni Rita, wala siyang nararamdaman ni katiting na pagsisisi na naging isa siyang ina sa edad na 19.

Sabi nga ng tatay ng kanyang anak, “Hindi po talaga namin naisip na ipalaglag po si Kianna. Nasa isip ko rin po kasi blessing po ‘yan. Blessing from God.”

View this post on Instagram

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)


Pagsang-ayon naman ni Rita, “Para sa akin kasi kahit sino mang babae gustong magkaanak. Kasi ‘di ba maraming mga babae na nangangarap na gusto magkaanak pero hindi nabibigyan.

“So kami po na binigyan kami ni Lord, kaya bakit namin papalampasin ‘to?” aniya pa.

Nauna rito, inamin din ni Rita na talagang apektado rin siya sa pamba-bash at pambabastos sa kanya ng ilang netizens nang inamin niy sa publiko ang tungkol sa kanyang pagdadalang-tao.

“Siguro ‘yung napaiyak ako na nabasa ko, ‘Maaga ka lumandi.’ ‘Bobo ka, kung inuna mo ‘yung career mo kaysa sa kalandian mo.’ ‘Anong ipapakain mo sa bata, babalik ka ba sa pamamalimos mo?’ Sa akin ang hirap na parang, bakit ganu’n? Hindi pa naman nila ako kilala totally, bakit nila ako hinusgahan?” pahayag ni Badjao Girl.

Sa nasabi ring panayam ibinahagi ni Rita ang pinagdaraanang karamdaman, “Actually nagpa-check-up na po ako dati. Meron po akong bukol na sabi nila normal lang sa babae. So binigyan nila ako ng gamot, uminom ako, hanggang sa nawala. Pero bumalik siyam

“Masakit siya lalo na kapag natatamaan siya. Kahit hawak lang, masakit po,” sabi pa niya.
Kasunod nito, naging emosyonal na nga ang batang ina, “Ganito lang po talaga ako, kung nakikita niyo, masaya.

“Pero hindi po nila alam may pinagdadaanan ako. Kumbaga kailangan kong tiisin na hindi ako makakapagpa-check-up kasi imbis na ipa-check-up ko, ibigay ko na lang sa parents ko pambili nila ng pagkain. So ako, okay lang. Okay lang na ako ‘yung mahirapan, ‘wag lang sila.

“Ayun po ‘yung hindi alam ng karamihan lalo na ‘yung pamba-bash nila, mas lalong nakakaapekto sa akin ‘yun. Kaya tiniis ko na lang nang tiniis,” sabi pa ni Rita na unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang litrato na nanlilimos kasama ang kapatid habang ginaganap ang Pahiyas Festival noong 2016.

https://bandera.inquirer.net/321045/badjao-girl-rita-gaviola-umaming-nanay-na-proud-ako-dahil-hindi-ko-pinalaglag-ang-baby-dahil-lang-sa-kasikatan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/293639/badjao-girl-planong-sumali-sa-miss-universe-payo-ng-netizens-mag-train-ka-na-galingan-mo
https://bandera.inquirer.net/321775/badjao-girl-rita-gaviola-napaluha-sa-bawal-judgmental-dahil-sa-bashers-tinawag-na-bobo-malandi-sayang
https://bandera.inquirer.net/293870/badjao-girl-hindi-joke-ang-pagsali-sa-miss-universe-ph-2-kapuso-actress-nangumpisal-sa-tbats

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending