Badjao Girl Rita Gaviola walang breast cancer: Hindi na ako magwo-worry, matututukan ko na ang baby ko
NAKAHINGA na nang maluwag ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Rita Gaviola nang makuha ang resulta ng kanyang medical check-up kamakailan.
Feeling relieved ang internet sensation nang sabihin ng doktor sa kanya na wala siyang breast cancer at cleared na rin ang suspected cyst na nakapa noon sa dibdib niya.
Sumailalim sa medical checkup si Rita para malaman kung cancerous ang cyst niya sa breast kamakailan sa tulong na rin ng Kapamilya broadcaster na si Karen Davila.
Mapapanood nga ito sa bagong YouTube vlog ng news anchor kung saan makikita nga ang pagpapa-checkup ni Rita at ang pagkuha ng mga resulta nito.
View this post on Instagram
Makalipas nga ang apat na araw, nakuha na ng young parent ang resulta ng breast at cervical ultrasound. Ipinaliwanag ng kanyang doktor na si Dr. Jenny Jose, ang medical findings.
“There are no enlarged mass or cyst so probably ‘yung nangyaring meron ka nakapa before it was just physiologic, phase lang ‘yun sa hormones mo. You don’t need to worry,” ang pahayag ni Dr. Jose sa pamamagitan ng video call.
“What you should do lang is to take care of ourselves. Every year, we need to have a check-up para everything is good,” ang paalala pa ng doktor sa kanyang pasyente.
Tanong ni Karen kay Rita, “Ngayong alam mo na na wala kang cancer, wala kang tumor, wala kang cyst, ano ang pakiramdam mo?”
Tugon naman ni Badjao Girl, “Masaya ako kasi hindi na ako mag-wo-worry, para mas matutukan ko ‘yung baby ko.
“Sobrang happy ako, hindi ko alam paano sabihin pero sobrang saya po ng puso ko. At dahil po sa iyo ‘yun, Ma’am Karen, na nakapagpa-check-up ako, so sobrang thank you po, lalo na sa mga naitulong niyo po sa akin,” aniya pa.
Nauna rito, naibalita na natin sa BANDERA na may advanced Christmas gifts si Karen kay Rita — yan ay ang P50,000 worth of baby products para sa kanyang anak na si Baby Kianna.
Sabi ni Karen, “So matapos naman ang check-up natin kay Rita, may sorpresa ako para sa kanya.
“Alam naman natin gaano kahirap ang buhay niya tsaka yung stress na nararamdaman niya sa check-up habang hinihintay niya ang resulta. Para naman may maaga siyang Pamasko para sa baby,” sabi ng news anchor.
Gamit ang P50,000 voucher ay namili sila ng ilang baby products gaya ng high chair, crib, baby tub at mga damit.
https://bandera.inquirer.net/322450/badjao-girl-rita-gaviola-inaming-may-cyst-sa-dibdib-sasagutin-ni-karen-davila-ang-pagpapa-check-up https://bandera.inquirer.net/320408/nanay-ni-herlene-budol-dismayado-rin-sa-resulta-ng-bb-pilipinas-2022-para-po-sa-akin-ang-anak-ko-ang-winner https://bandera.inquirer.net/293639/badjao-girl-planong-sumali-sa-miss-universe-payo-ng-netizens-mag-train-ka-na-galingan-mo https://bandera.inquirer.net/321775/badjao-girl-rita-gaviola-napaluha-sa-bawal-judgmental-dahil-sa-bashers-tinawag-na-bobo-malandi-sayang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.