Badjao Girl pinag-shopping ni Karen Davila ng ‘baby products’ worth P50k  | Bandera

Badjao Girl pinag-shopping ni Karen Davila ng ‘baby products’ worth P50k 

Pauline del Rosario - October 10, 2022 - 04:36 PM

Rita Gaviola, her non-showbiz boyfriend and Karen Davila

Rita Gaviola, her non-showbiz boyfriend and Karen Davila. Image: screengrab from YouTube/Karen Davila

TUWANG-tuwa at hindi makapaniwala ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Rita Gaviola o mas kilala bilang si “Badjao Girl” sa sorpresang handog ng batikang broadcaster na si Karen davila.

Pinag-shopping kasi siya ng “baby products” na nagkakahalagang P50,000!

Nag-post sa YouTube ang batikang brodkaster ng isang follow-up episode kasama si Badjao Girl.

Sabi pa sa caption, “Dating namamalimos sa kalye para buhayin ang pamilya at kapatid, sumali ng Pinoy Big Brother hanggang sa nabuntis ng 19 na taong gulang.

“Ngayon, may anak na si Rita at nag-aalala sa iniindang sakit sa dibdib.

“Hindi pa nagpapa-check up sa duktor si Rita kaya’t tinupad natin ang pangako na dalhin siya sa doktor.”

Sa umpisa ng video ay dinala nga ni Karen si Rita sa isang ospital sa Makati para ipa-check up ang bukol umano sa kanyang dibdib.

Isinalang ang dating PBB housemate sa ilang laboratory tests at good news na sinabi naman ng doktor na malayo siyang magkaroon ng cancer.

Natuwa naman si Rita sa resulta at sinabing, “Masaya ako kasi nalaman ko ‘yung result at hindi na ako magwo-worry para mas matutukan ko pa ‘yung baby ko.”

Siyempre, hindi diyan natatapos ang pagtulong ni Karen dahil after magpatingin sa doktor ay pinag-shopping na niya ito.

Sabi pa niya, “So matapos naman ang check-up natin kay Rita, may sorpresa ako para sa kanya.

“Alam naman natin gaano kahirap ang buhay niya tsaka yung stress na nararamdaman niya sa check-up habang hinihintay niya ang resulta.”

Dagdag pa niya, “Para naman may maaga siyang pamasko para sa baby.”

Maliban sa team ni Karen, kasama rin ni Badjao girl ang kanyang baby at asawa sa mall.

Gamit ang P50,000 voucher ay namili sila ng ilang baby products gaya ng high chair, crib, baby tub at mga damit.

Noong Agosto nang ibinunyag ni Badjao Girl na siya’y isa nang ina.

Sumikat siya noong 2016 matapos mag-viral ang kanyang litrato na kinunan sa Pahiyas Festival sa Quezon.

Read more:

Badjao Girl Rita Gaviola never naisip ipalaglag ang anak: Nag-mature talaga ako nu’ng dumating siya sa buhay ko

Badjao Girl Rita Gaviola inaming may cyst sa dibdib, Karen Davila sasagutin ang pagpapa-check up

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Badjao Girl Rita Gaviola napaluha sa ‘Bawal Judgmental’ dahil sa bashers; tinawag na ‘bobo’, ‘malandi’, ‘sayang’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending